• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Janine, naka-move on na kay Rayver; dahil daw ba kay Paulo?

Richard de Leon by Richard de Leon
March 1, 2022
in Balita Archive
0
Janine, naka-move on na kay Rayver; dahil daw ba kay Paulo?

Paulo Avelino, Janine Gutierrez, Rayver Cruz, at Julie Anne San Jose (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Natanong umano sa isang panayam ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez kung anong sey niya sa bali-balitang may ‘mutual understanding’ na raw ang ex-jowang si Rayver Cruz at ang kasama nitong singer-actress sa ‘All Out Sundays’ at pagho-host ng ‘The Clash’ na si Julie Anne San Jose.

Sa tugon ni Janine, mukhang naka-move on na talaga ang dalaga. Sa mga kumalat na chika kasi, si Janine daw ang kusang nakipag-split kay Rayver dahil wala na raw silang oras sa isa’t isa, at wala naman talagang third party.

“Whatever makes him happy, I just want him happy always talaga. I’m always gonna care about him.”

In good terms naman daw sila at walang sama ng loob sa isa’t isa.

“Hindi pa kami nagkikita ulit, pero okay naman kami. I always wish him the best and I’m always rooting for him talaga.”

Pinabulaanan din niya ang chikang inunfollow niya sa Instagram si Julie Anne.

Isa rin sa mga nauntag ay ang bali-balitang nang maghiwalay sila ni Rayver ay pumasok naman sa eksena si Paulo Avelino, ang nakatambal niya sa nagwakas na teleseryeng ‘Marry Me, Marry You’ ng Dreamscape Production sa ABS-CBN.

Sey ni Janine, close lang daw talaga sila ni Paulo at wala silang relasyon. Kamakailan kasi ay naintriga na naman silang dalawa dahil sa kumalat na litrato na magkasama sila sa isang bakasyon sa Palawan, kasama ang co-stars ng MMMY at real-life couple na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang suot-suot na polo ni Janine mula sa isang litrato, na kagaya raw ng polo ni Paulo.

“Well, I’m happy that we are close. We have always been close naman. Mas naging close lang kami after ng teleserye and after working together sa ABS.”

Tinawanan lamang ni Janine ang tanong sa kaniya kung nanliligaw at may pag-asa raw ba ang guwapong aktor sa kaniya.

“We super get along with each other. We’ll see what will happen. Siya na lang tanungin ninyo, but I really enjoy spending time with him and talking to him,” tugon ng dalaga.

Sa kasalukuyan ay abala si Janine sa mga nakalatag na proyekto sa ABS-CBN.

“Yes, we just wrapped filming yung Sleep With Me with Lovi Poe, iWant series siya, katatapos lang namin. Mayroon din akong teleserye, but I don’t think I can share it yet, so abangan na lang nila,” pagbabahagi pa ni Janine.

Tags: Janine GutierrezJulie Anne San Josepaulo avelinorayver cruz
Previous Post

ALAMIN: Sinu-sino nga ba ang nasa likod ng mga polling companies?

Next Post

Xander Ford, binigyan ng trabaho ni Xian Gaza: ₱5k kada buwan ang suweldo bilang MRO

Next Post
Xander Ford, binigyan ng trabaho ni Xian Gaza: ₱5k kada buwan ang suweldo bilang MRO

Xander Ford, binigyan ng trabaho ni Xian Gaza: ₱5k kada buwan ang suweldo bilang MRO

Broom Broom Balita

  • May dagdag na ₱2/kilo: Palay ng mga magsasaka sa Leyte, bibilhin ng NFA
  • Lacuna: Gulo sa clearing operations sa pagitan ng MMDA at Manila, naresolba na!
  • ₱4B halaga ng ‘shabu,’ nasamsam sa Baguio City
  • Guro sa Koronadal City, naging ‘part-time teacher, full-time babysitter’ ng fur babies
  • All-out war vs ‘ghost’ receipts, pinaigting ng BIR
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.