• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

ALAMIN: Sinu-sino nga ba ang nasa likod ng mga polling companies?

Balita Online by Balita Online
March 1, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
ALAMIN: Sinu-sino nga ba ang nasa likod ng mga polling companies?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon ang mga kaliwa’t kanan na political surveys dahil malapit na ang eleksyon. 

Marami rin tuloy ang “curious” kung sino ang nasa likod ng mga sikat na polling firms sa bansa katulad ng OCTA Research, Pulse Asia, SWS, at Publicus Asia, Inc.

OCTA Research Group

Photo courtesy: OCTA Research (Facebook)


Ang OCTA Research ay isang polling, research, at consulting firm. Binubuo ito ng mga researchers na nag-aaral tungkol sa  sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ang mga contributors ng grupo ay may background sa mathematics, microbiology at infectious diseases. 

Pinangungunahan ito ng presidente na si Ranjit Singh Rye, Political Science professor sa Unibersidad ng Pilipinas.  

Ang iba pang bumubuo ng OCTA Research ay sina:Dr. Guido David, professor sa UP Institute of Mathematics; Rev. Fr. Nicanor Austriaco, molecular biologist; Bernhard Egwolf, associate professor sa UST; Erwin Alampay, professor sa UP-NCPAG; Michael Tee, professor sa UP College of Medicine; Benjamin Vallejo, professor sa UP-IESM; at Rodrigo Ong, UP lecturer.

Katrabaho rin OCTA Research ang Blueprint.PH na pinangungunahan ng CEO at OCTA Research fellow na si Eero Rosini Brillantes. 

PULSE ASIA RESEARCH, INC.

Photo courtesy: Pulse Asia Research Inc. (Facebook)

Ang Pulse Asia Research, Inc. ay binubuo ng mga propesyonal na may dalubhasa sa kani-kanilang larangan ng pag-aaral. Nakatuon sila sa pagsubaybay sa mga mahahalagang isyu tulad ng socio-economic political at cultural issues. 

Pinangungunahan ito ni Dr. Ronald Holmes, presidente ng Pulse Asia. Isa rin siyang political science professor sa De La Salle University.

Ang iba pang bumubuo ng Pulse Asia ay sina: Dr. Ana Maria L. Tabunda, treasurer at Research Director; Dr. Pia Raquedan, Associate Research Director; Ms. Liza Reyes, Programs Head; Ms. Shiela Billones, Head Statistician; Dr. Enrico Osi, Marketing Head; at Ms. Virginia Gutierrez, Finance Coordinator.

SOCIAL WEATHER STATIONS O SWS

Photo courtesy: Social Weather Stations (Facebook)

Ang SWS ay isang private, non-stock, nonprofit social research institution. Ang mga miyembro nito ay binubuo ng social scientists sa economics, political science, sociology, statistics, at market research.

Dito sa Pilipinas, pinangungunahan ito ng economist na si Dr. Mahar Mangahas.

Ang mga Founding Fellows ay sina: Felipe Miranda, political scientist; Mercedes Abad, Market research specialist; Jose de Jesus, social psychologist; Ma. Alcestis Mangahas, economist; Gemino Abad, isang poet; at Rosa Linda Miranda, economist.

PUBLiCUS ASIA, INC.

Photo courtesy: PUBLiCUS Asia Inc.

Ang Publicus Asia, Inc. ay ang kauna-unahang SEC-registered lobbying at campaign firms na nagtutustos ng political, corporate, at advocacy projects.

Pinangungunahan ni Ma. Lourdes Tiquia, Founder at CEO, ang Publicus Asia. Isa siyang tanyag na lobbyist at political strategist sa Pilipinas at sa Asya,

Ang tatlo pang board of directors ng Publicus Asia ay sina: Lilibet Amatong, Co-founder at COO, dalubhasa siya sa information-education-communication-mobilization (IECM) at human resources management and development; Kenneth Liotongco, Director-Business Development, at isa rin siyang entrepreneur; Manny Tabunda, Director-Technology Applications, kilala siya national at local governments at nauugnay sa paggawa ng Local Government Code. 

Tags: OCTA Research GroupPublicus Asia Inc.Pulse Asia Research Inc.Social Weather Stations (SWS)
Previous Post

Comelec, ipapaalam sa mga kandidato ang mga general topic sa debate

Next Post

Janine, naka-move on na kay Rayver; dahil daw ba kay Paulo?

Next Post
Janine, naka-move on na kay Rayver; dahil daw ba kay Paulo?

Janine, naka-move on na kay Rayver; dahil daw ba kay Paulo?

Broom Broom Balita

  • Buntis na nang madiskubre: Babae, aksidenteng napangasawa ang sariling pinsan
  • Cessna plane, ‘di pa mahanap–Search and rescue ops sa Isabela, tuloy pa rin
  • Ganiel Krishnan, ibinida ang funny convo nila ng food delivery rider: ‘I fertilized 2405, ma’am’
  • Ginaya sina Karen, Lyca kasama si Francine; netizens, nagulat na ‘malaki’ na si Xyriel
  • 9-anyos, nagsauli ng napulot na sobreng may cash; may-ari na isang cancer survivor, naantig
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.