• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sylvia sa kampanya ni Arjo: ‘Old school ‘yung pangangampanya na siraan mo ‘yung kalaban mo’

Richard de Leon by Richard de Leon
February 28, 2022
in Showbiz atbp.
0
Sylvia sa kampanya ni Arjo: ‘Old school ‘yung pangangampanya na siraan mo ‘yung kalaban mo’

Arjo Atayde at Sylvia Sanchez (Screengrab mula sa YT/Ogie Diaz/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inamin ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez sa panayam ni Ogie Diaz na noong una, hindi niya bet ang kagustuhan ng anak na si Arjo Atayde na pasukin ang politika. Pero dahil alam daw niyang sinsero ang anak sa hangarin nito, napapayag na rin siya at buo ang suporta niya rito.

Screengrab mula sa YT/Sylvia Sanchez

Tumatakbo ang aktor sa pagiging kongresista ng unang distrito ng Quezon City, kaalyado ng kasalukuyang QC mayor na si Joy Belmonte.

“Wala akong takot na tumatakbo siya dahil alam kong totoo ‘yung gusto. Sincere ang anak ko sa pagtakbo. Gusto talaga n’yang tumulong. So alam ko totoong Arjo ‘tong humaharap sa kanila, nang walang halong pambobola, hindi nanloloko ng tao.”

Gayunman, inaamin niyang natatakot siya para sa anak lalo’t magulo ang mundo ng politika, lalo na kung buhay na nito ang pag-uusapan. Wala raw panama ang gulo ng showbiz sa gulo ng politika.

“Pero may takot ako doon sa alam naman natin, eh. ‘Yung politika, magulo. Kung sa showbiz magulo, alam natin. Walang panama ang showbiz sa politika dahil dito minsan, involved dito ‘yung baril. May mga nangyayari. May mga barilan. Doon lang ako takot para sa anak ko,” sey ng aktres.

Dalangin na lamang ng ina na kung papalarin si Arjo, huwag daw sanang magbago ang mga magagandang asal at katangian nito at huwag papakain sa magulong sistema. Kung magbabago raw ang anak, siya na raw mismo ang magdadasal sa Diyos na huwag na lang panalunin ang anak na jowa ni Maine Mendoza.

Hindi raw nagpapigil si Arjo sa pagtakbo kahit na maraming humikayat dito na huwag na lang tumuloy. Keber na rin sila sa mga naninirang-puri, pero hindi rin nila gagawin ito. Lumang estilo o old school na raw ito.

“Hindi kami lalaban ng sira. Old school ‘yung pangangampanya na siraan mo ‘yung kalaban mo. Siraan kami nang siraan, siraan nang siraan ang anak ko, ang napag-usapan at ang sinabi ni Arjo, ‘Hindi ako lalaban sa siraan, mommy kasi nandito ako para magserbisyo… gusto kong tumulong sa tao. Hindi para manira ng kahit na sino lalong-lalo na ng kalaban ko. That’s not my cup of tea. Hindi ako ganoo,” pagtatanggol ni Ibyang sa anak.

Bilin daw niya sa anak, huwag na huwag magpapadala at magpapalukob sa kapangyarihan kung sakaling palarin.

“Nak, kapag nanalo ka, huwag kang magpadala sa power. The more na maging mapagkumbaba ka at saka tulungan mo ang buong District 1. Itanim mo ang pagmamahal sa District 1 kasi ‘yung pagmamahal, yung pakikisama, at pagiging mabuting tao na itinanim mo, babalik ‘yan sa ‘yo. Mamahalin ka rin ng mga taga-District 1,” aniya.

Ibinuking din ni Sylvia na humingi ng dispensa sa kaniya ang jowa ng anak na si Phenomenal Star Maine Mendoza dahil sa mga sinasabi ng mga basher na milyones lamang daw nito ang habol ni Arjo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/27/sigaw-ng-bashers-arjo-milyones-lang-daw-habol-kay-maine/

Maine Mendoza, Arjo Atayde mark 2nd anniversary with getaway photos – Manila  Bulletin
Arjo Atayde at Maine Mendoza (Larawan mula sa IG)

At ngayong tumatakbo nga si Arjo bilang district representative sa Quezon City, hangga’t maari daw ay hindi na niya isinasama si Maine para maprotektahan ito. Iwas na rin ang aktor na bibida sa ‘The Cattleya Killer’ na masabihan na naman sila ng kung ano-ano at maungkat na naman ang ‘gamitan’ issue.

Tags: Arjo AtaydeSylvia Sanchez
Previous Post

Mag-amang magkaangkas, sumalpok sa truck sa Negros Occidental, patay

Next Post

6 Pinoy mula Ukraine, ligtas na nakarating sa Moldova — DFA

Next Post
6 Pinoy mula Ukraine, ligtas na nakarating sa Moldova — DFA

6 Pinoy mula Ukraine, ligtas na nakarating sa Moldova -- DFA

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.