• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sigaw ng bashers: Arjo, milyones lang daw habol kay Maine?

Richard de Leon by Richard de Leon
February 27, 2022
in Showbiz atbp.
0
Sigaw ng bashers: Arjo, milyones lang daw habol kay Maine?

Maine Mendoza, Arjo Atayde, Sylvia Sanchez, at Ogie Diaz (Screengrab mula sa YT/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ang premyado at batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang latest na sumalang sa panayam ni showbiz columnist Ogie Diaz na umere sa kaniyang YouTube channel noong Pebrero 24, 2022.

Isa sa mga naungkat ni Ogie ay tungkol sa relasyon ng anak ni Sylvia Sanchez na si Arjo Atayde kay Phenomenal Star Maine Mendoza, na talagang makasaysayan ang pagsikat bilang ‘Yaya Dub’ sa Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’, katambal si Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Sumikat nang husto ang tambalan nilang ‘AlDub’.

Pag-amin ni Ibyang, katakot-takot na batikos daw ang inabot nila dahil sa relasyon nina Arjo at Maine. Kumakalat pa ang mga chika na ginagamit lamang daw ng anak niya ang kasikatan ng actress-TV host-endorser, lalo na ngayon na sasabak na sa politika ang anak.

Pero pinagkikibit-balikat na lamang daw ito ni Sylvia. Tinatawanan na lamang. Hindi naman daw ito totoo.

“Actually, hindi pa tumatakbo si Arjo, binato na ‘yan sa anak ko eh. Pinagtawanan na lang ng anak ko ‘yun eh. Pati nga ako, ginagamit ko raw si Maine dahil wala raw kaming mga career. Hindi raw kami sikat,” sey ni Sylvia.

Ito pa, ang sabi raw ng bashers, milyones lang daw ang habol ni Arjo kay Maine, lalo’t bago pa man sumabak sa showbiz ang dalaga, eh rich kid na talaga ito! Mas dumoble o triple pa dahil sa kaliwa’t kanang endorsements sa mga naglalakihang kompanya, lalo na noong kasagsagan nga ng kasikatan ng AlDub.

Ispluk ni Sylvia, si Maine na raw ang nahiya sa kanila at ito na rin ang personal na humingi ng dispensa sa mga pinagsasabi ng bashers laban sa pamilya Atayde.

“Alam mo mare, sa totoo lang, hiyang-hiya si Maine. Nagso-sorry, sabi niya, ‘Tita, I’m sorry.’ Kasi ‘yun nga, sinasabi na ginagamit.

“Ang habol daw namin kay Maine yung milyon niya, yung pera niya, yung McDo niya. Yung ganun na paninira.”

“Okay lang sa amin kasi alam naman ni Maine ang katotohanan. Si Maine nga, ‘Tita, I’m sorry. Hiyang-hiya ako.’ Sinasabi ko… ‘Maine, hindi ikaw ang namba-bash, hindi ikaw ang naninira. At hindi ganoon ang paniniwala mo sa amin. So okay na kami dun, masaya na kami.’ Ang importante si Maine at si Arjo at ang pamilya ni Maine at kami,” sey pa ni Sylvia.

Pagtatanggol naman ni Ogie, mayaman din naman ang pamilyang Atayde, no!

At ngayong tumatakbo nga si Arjo bilang district representative sa Quezon City, hangga’t maari daw ay hindi na niya isinasama si Maine para maprotektahan ito. Iwas na rin ang aktor na bibida sa ‘The Cattleya Killer’ na masabihan na naman sila ng kung ano-ano at maungkat na naman ang ‘gamitan’ issue.

Tags: Arjo AtaydeMaine MendozaSylvia Sanchez
Previous Post

Simula na ng Kuwaresma: Pagpapahid ng abo sa noo, tuloy na sa Marso 2

Next Post

Vlog ni Vice Ganda na pinag-shopping ang 2 empleyado sa bangko, #7 trending sa YouTube

Next Post
Vlog ni Vice Ganda na pinag-shopping ang 2 empleyado sa bangko, #7 trending sa YouTube

Vlog ni Vice Ganda na pinag-shopping ang 2 empleyado sa bangko, #7 trending sa YouTube

Broom Broom Balita

  • MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan
  • BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand
  • Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’
  • 8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City
  • Alden Richards, pangarap maging daddy
MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan

MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan

May 31, 2023
Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak

BI, nagbabala vs call center job scam sa Myanmar, Thailand

May 31, 2023
Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

Sandro Marcos sa kaarawan ni VP Duterte: ‘We are blessed to have a leader like you’

May 31, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

8-anyos batang babae, natagpuang patay, hubo’t hubad, nakabusal ang bibig sa Lucena City

May 31, 2023
Alden Richards, pangarap maging daddy

Alden Richards, pangarap maging daddy

May 31, 2023
Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

Mark Villar: Bersiyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund Bill aprubado na sa Ikatlong Pagbasa

May 31, 2023
Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

Lacuna: “Kapitan Ligtas”, health super hero ng Maynila

May 31, 2023
12 pulis, 4 PDEA agents, kinasuhan kaugnay ng ‘misencounter’ sa isang drug war op sa QC noong Pebrero

4 suspek, arestado sa umano’y iligal na pagbebenta ng Gcash accounts

May 31, 2023
Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

Maine Mendoza, emosyunal: ‘Hanggang sa muli, dabarkads’

May 31, 2023
‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.