• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro Eleksyon

Bongbong Marcos, nangakong ipatatayo ang Iloilo-Guimaras-Negros bridge

Balita Online by Balita Online
February 27, 2022
in Eleksyon, National / Metro
0
Bongbong, isusulong ang local R&D; aalalay sa local inventors sakaling mahalal na pangulo

Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nangako si Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na itutuloy ng kanyang administrasyon ang pagtatayo ng panukalang tulay na mag-uugnay sa Iloilo, Guimaras at Negros Occidental sakaling manalo siya sa pagkapangulo sa May 2022 elections.

Ito ang binitawang pangako ni Marcos sa political rally ng UniTeam sa Tamasak Arena, Barotac Nuevo noong Huwebes.

“Kailangan po nating ipagpatuloy ang sinimulan ni Pangulong Duterte na ‘Build, Build, Build’ program sa imprastraktura. Pinag-uusapan nga namin kanina kung papaano ang gagawin para matuloy na ‘yung tulay na manggagaling sa Iloilo hanggang Guimaras hanggang sa Negros,” ani Marcos sa naganap na rally.

“Para mabuksan na natin at dumami ang economic activity dito,” dagdag ng dating senador.

Ang tulay, ani Marcos, ang magiging pinakamahaba sa Westeren Visayas, at isa sa pinakamahabang tulay sa bansa. Una itong iminungkahi noong 2017 at itinaguyod ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, kaalyado ni Vice President Leni Robredo at karibal ni Marcos.

Ang tulay ay inaasahang aabot ng 32 kilometro at mahahati sa dalawang bahagi—ang 13 kilometrong Panay-Guimaras link, at ang Guimaras-Negros link na may 19.47 kilometro.

Ayon kay Marcos, ang pagtatayo ng panukalang tulay ay nangangailangan ng masusing pag-aaral dahil hindi ito tutustusan ng gobyerno.

“Isa ‘yun sa mga project na pino-propose at kailangan pag-aralan kasi hindi naman gobyerno ang magbabayad niyan,” ani Marcos sa isang panayam sa kanyang Iloilo campaign.

“At kung hihingi tayo ng tulong sa ibang lugar kailangan naman maipakita natin sa kanila ang ganansya. Isa ito sa laging napag-uusapan when it comes to our infrastructure development,” dagdag niya.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magaganap ang engineering services para sa tulay, na may suportang pinansyal mula sa pamahalaan ng South Korea, partikular ang Export-Import Bank of Korea.

Ito ay unang iminungkahi sa panahon ng administrasyon ng noo’y pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Ang panukalang tulay ay nakikita daan upang mapabilis ang land travel at nagpapahintulot sa mga tao na tumawid sa Iloilo, Guimaras, at Bacolod para sa mga layunin ng komersiyo, turismo, at iba pang mahahalagang biyahe.

Hannah Torregoza

Tags: Ferdinand Bongbong Marcos
Previous Post

Senatorial aspirant Matula, nais taasan ang multa laban sa ilegal contractors sa bansa

Next Post

APO Hiking Society members Danny at Boboy, certified Kakampink sey ni Jim Paredes

Next Post
APO Hiking Society members Danny at Boboy, certified Kakampink sey ni Jim Paredes

APO Hiking Society members Danny at Boboy, certified Kakampink sey ni Jim Paredes

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.