• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

Alaska, ‘di nangisay sa Meralco Bolts

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
February 26, 2022
in Basketball, Sports
0
Alaska, ‘di nangisay sa Meralco Bolts
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi umubra ang boltahe ng Meralco nang talunin sila ng Alaska Aces sa pamamagitan ng buslo ni RK Ilagan sa Governors’ Cup ng PBA Season 46 sa Ynares Center sa Antipolo City nitong Sabado ng gabi.

Eksaktong 4.7 segundo na lamang ang natitira sa final period at abante ng isa ang Bolts, 93-92 nang pakawalan ni Ilagan ang kanyang winning shot sa harap ni Bong Quinto.

Dahil sa pagkakapanalo ng Aces, pinatatag pa nito sa 6-3 panalo-talo ang kanilang kartada.

Naipanalo pa rin ng Alaska ang laro kahit napatalsik ang import na si Olu Ashaolu sa fourth quarter dahil sa matinding foul nito kay Cliff Hodge.

Ito na ang ikaapat na tagumpay ng Aces mula nang inanunsyo ng pamunuan nito na aalis na sila sa liga matapos ang 35 seasons.

Inihayag naman ni Alaska coach Jeff Cariaso na para talaga kay Ilagan ang nasabing huling play.

“Honestly, yes it was. I think when you work as hard as RK does and you put in the work, he deserves the opportunity,” ani Cariaso.

Hindi naman napakinabangan ng Bolts ang 32 points ni Allein Maliksi na tanging nanguna sa kanyang koponan.

Sa kabila ng pagkatalo, nakapuwesto pa rin sa tuktok ang Meralco, 6-2 panalo-talo.

Previous Post

Makalipas ang ilang taon: BBM at dating yaya ng mga Marcos, nagkita muli

Next Post

DOH: Mahigit 600K sa 5-11 age group, bakunado na!

Next Post
TRO, hiniling sa korte vs pagbabakuna sa edad 5-11 nang walang pahintulot ng magulang

DOH: Mahigit 600K sa 5-11 age group, bakunado na!

Broom Broom Balita

  • Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran
  • BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP
  • Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima
  • Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors
  • Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na
Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran

Driver ng ambulansya, inatake sa puso habang nagmamaneho sa Biliran

August 19, 2022
Auto Draft

BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP

August 19, 2022
Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

August 19, 2022
Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’

Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors

August 19, 2022
Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

August 19, 2022
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

August 19, 2022
‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

August 19, 2022
Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.