• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

#KapamilyaStrong: 11 stars, nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN

Richard de Leon by Richard de Leon
February 24, 2022
in Showbiz atbp.
0
#KapamilyaStrong: 11 stars, nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN

Regine Velasquez, Gary Valenciano, Jolina Magdangal, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, at ang magkatambal na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio (Larawan mula sa Twitter/Miguel Dumaual)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Muling pumirma ng kontrata ang 11 malalaking celebrities ng ABS-CBN nitong Pebrero 23, 2022, kaalinsabay sa pagdiriwang ng 30th anniversary ng Star Magic, ang talent-arm management ng Kapamilya Network.

Tinawag ang grand event na ‘Kapamilya Strong’ na pinangunahan ng ABS-CBN executives na sina Chairman Mark Lopez, President Carlo Katigbak, Chief Operating Officer na si Cory Vidanes, Head of TV Production and Star Magic na si Laurenti Dyogi, at Head of Finance na si Rick Tan.

Dalawa sa mga non-Star Magic artists ngunit haligi ng Philippine music na sina Pure Energy Gary Valenciano at Asia’s Songbird Regine Velasquez ang nauna sa pirmahan. Hinandugan sila ng awitin nina Jed Madela at Lara Maigue. Mananatili silang mainstay hosts ng musical variety show na ‘ASAP Natin ‘To.’ Guest co-host naman si Momshie Regine sa ‘Magandang Buhay’ habang nangangampanya si Momshie Karla Estrada.

“You have been a source of strength for all of us as we persevere to continue serving the Filipino together. Tunay naming naramdaman na andito tayo para sa isa’t isa dahil sa pagmamahal ninyo sa aming lahat.

“Thank you for the trust, for sharing the love, and for the gift of healing that you have given millions of Filipinos with your inspiring music, your excellent performances, and of course, for being world-class talents. We will always be proud of you, our Kapamilya Regine and our Kapamilya Gary V. We love you both,” pasasalamat sa kanila ni Vidanes.

Ang iba pang mga Star Magic artists na pumirma ay sina Jolina Magdangal, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, at ang magkatambal na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Sa kasalukuyan ay momshie host si Jolina Magdangal sa morning talk show na ‘Magandang Buhay’ at may nakalatag pa umanong proyekto para sa kaniya. Sina Sam Milby at Gerald Anderson naman ay naghahanda na umano para sa teleserye nila bilang leading men ni Ivana Alawi.

Katatapos lamang ang hit teleseryeng ‘La Vida Lena’ na si Erich Gonzales na soon ay malapit na ring ikasal sa kaniyang fiance.

Kasalukuyan namang umeere ang mga kinabibilangang teleserye nina Zanjoe Marudo na ‘The Broken Marriage Vow’ at ‘Viral Scandal’ naman kay Jake Cuenca. Si Shaina Magdayao ay bahagi ng longest-running teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

May niluluto ring teleserye para kina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na may pamagat na ‘Love in 40 Days’.

“Thank you for trusting ABS-CBN and Star Magic. Thank you for standing with us to continue serving the Filipino. Thank you for the love that you have nurtured with all our Kapamilyas and with all the audience through the years. Maraming, maraming salamat po,” pasasalamat naman ni Vidanes.

Samantala, ang nagsilbing host naman nito ay si Pinoy Big Brother host Robi Domingo at Edward Barber.

Tags: ABS-CBNKapamilya Strong
Previous Post

Alexa Ilacad at KD Estrada mag-on na nga ba?

Next Post

Carla: ‘I find it very grade school to unfollow-follow important persons in your life on social media’

Next Post
Carla: ‘I find it very grade school to unfollow-follow important persons in your life on social media’

Carla: 'I find it very grade school to unfollow-follow important persons in your life on social media'

Broom Broom Balita

  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
  • ‘A mother’s love’: Mensahe ng ina sa kinasal na anak, kinaantigan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.