• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Tanong ng bayan kina Paulo, Janine: mag-jowa na ba o ‘as a friend’ lang?

Richard de Leon by Richard de Leon
February 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Tanong ng bayan kina Paulo, Janine: mag-jowa na ba o ‘as a friend’ lang?

Paulo Avelino, Janine Gutierrez, Edu Manzano, at Cherry Pie Picache (Larawan mula sa IG/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pa rin mawala-wala ang pang-iintriga ng mga netizen sa kumalat na litrato nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez habang magkasama sa isang bangka sa isang beach sa Palawan, noong Enero 2022.

Kasama nila sa naturang litrato ang co-stars nila sa nagwakas na teleseryeng ‘Marry Me Marry You’ na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache na nagka-developan umano habang nagte-taping sila, bagama’t inamin naman nila sa panayam na matagal na silang may ‘something’ pero hindi nga lang daw binibigyang-pansin.

Screengrab mula sa IG/Techie Santos 7
Screengrab mula sa IG/Techie Santos 7

Tanong ng bayan: ganoon na rin ba ang nangyari kina Paulo at Janine lalo’t single na ang bagong Kapamilya actress?

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen.

“Wow!!! Saya naman magkasama ang mag-lovebirds! Sana true na!”

“Kinilig naman ako sa PauNine oh my god my heart.”

“Wow Paulo at Janine sila na nga, kahawak si Paulo sa legs ni Janine…”

“Polo yata ni Paulo ‘yan suot ni Janine..hay????? inlove na talaga. God bless Pau and Janine.”

“Super happy lang talaga na nagkatotoo ang lahat.”

Mukhang positibo naman dito ang marami lalo’t nakita naman daw ang chemistry ng dalawa sa kanilang katatapos na serye.
Pero ang tanong ng bayan, mag-jowa na nga ba ang dalawa o lumabas lang sila ‘as a friend’? Hindi rin kasi nakaligtas sa matatalas na mata ng mga netizen na nakahawak na umano si Paulo sa mga binti ni Janine, at may isa pang litrato ang aktres na suot-suot umano ang polo ni Paulo.

Saan ba kasi nanggagaling ang ganitong chika? Hindi kasi makalimutan ng mga tagahanga nila na inamin ni Paulo sa ‘Marry Me Marry You’ season 2 virtual media conference na nag-date na sila ni Janine noon.

Tags: Janine Gutierrezpaulo avelino
Previous Post

Private schools, magtataas ng tuition sa gitna ng pandemya

Next Post

Snow sculpture ni BBM, gawa ng isang Pinoy sa Canada

Next Post
Snow sculpture ni BBM, gawa ng isang Pinoy sa Canada

Snow sculpture ni BBM, gawa ng isang Pinoy sa Canada

Broom Broom Balita

  • Reward vs killer ng estudyante ng DLSU sa Cavite, itinaas na sa ₱1.1M
  • Grilled balut, ‘nakalalason’ daw? Alamin ang sagot ng ilang food technologists
  • ‘Kambal’ ni AJ Raval, pinatanggal
  • Mga nagmomotorsiklo, hinuhuli na sa bike lane sa QC
  • France, umaasiste rin sa Mindoro oil spill response ng Pilipinas
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.