• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Private schools, magtataas ng tuition sa gitna ng pandemya

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
February 23, 2022
in National
0
Private schools, magtataas ng tuition sa gitna ng pandemya
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakaambang magtaas ng matrikula ang mga pribadong paaralan sa darating na pasukan para umano sa suweldo ng mga guro, ayon sa isang grupo ng mga pribadong paaralan sa bansa.

Paliwanag ni Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) managing director Noel Estrada, bukod sa mga guro ay gagamitin din ang dagdag na tuition sa sahod ng mga kawani ng eskuwelahan at pagsasaayos sa mga gusali nito bilang paghahanda sa limited face-to-face classes.

“Yung increase ng tuition, ang batas ay mayroong requirement para diyan, kung anumang mokolekta ng eskwelahan dapat 70 percent ay ipamahagi sa kanilang mga teachers at school personnel at yung 20 percent ay mapupunta sa facilities. So, may control na doon, hindi ito magiging kita ng eskwelahan,” pagtatanggol ni Estrada sa isang television interview.

“So karamihan talaga, kung meron mang magtataas, ay ang tinitingnan talaga doon ay ‘yong support sa ating mga teachers at school personnel. At the same time ‘yung sa facilities ‘no, paanong gagawin natin when we transition to limited face-to-face,” banggit nito.

“Pag tiningnan natin, magsisimula na ‘yung limited face-to-face, siyempre maraming ibang gatsusin din–halimbawa ‘yung testing ‘no, testing ng mga ‘di nagpabakuna pero kailangan silang magreport sa school, ‘yung mga teachers, ‘yung mga school personnel natin.”

“Alam naman natin din ‘yung mga requirements ngayon ‘no, for safety at mga health protocols. ‘Yung ating pagretrofit ng ating mga eskwelahan, siyempre karagdagang gastusin din ‘yun,” ani Estrada.

“Pangalawa, dahil nga bumaba ‘yung enrollment, eh konti na lang din ‘yung mga nagshi-share sa overall operating expenses ng mga schools kaya talagang minsan hindi maiwasan na, kung sino ‘yung maiiwan, sila talaga ‘yung maghahati-hati,” lahad pa ni Estrada.

Matatandaang pinalawig pa ng Department of Education (DepEd) ang application at consultation period sa mga pribadong eskwelahan na nais magtaas ng kanilang matrikula at iba pang school fees sa darating na pasukan.

Babala pa ng DepEd, dapat munang konsultahin din ng mga pribadong paaralan ang mga magulang kaugnay ng usapin.

Previous Post

Bongbong, nangakong wawakasan ang ‘endo’ sakaling mahalal na Pangulo

Next Post

Tanong ng bayan kina Paulo, Janine: mag-jowa na ba o ‘as a friend’ lang?

Next Post
Tanong ng bayan kina Paulo, Janine: mag-jowa na ba o ‘as a friend’ lang?

Tanong ng bayan kina Paulo, Janine: mag-jowa na ba o 'as a friend' lang?

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.