• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Erich Gonzales, pina-background check ng ‘bilyonaryong’ pamilya ng fiancé, sey ni Cristy

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
February 23, 2022
in Celebrities, Showbiz atbp.
0

Mga larawan mula Instagram account ni Erich Gonzales

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kasunod ng pagsulpot ng marriage banns ni Erich Gonzales at non-showbiz partner nitong si Mateo Rafael Lorenzo kamakailan, ilang nakakalokang chika ang ibinahagi ni Cristy Fermin na nasagap umano niya sa kay Manay Lolit Solis.

Pagbubulgar ng showbiz commentator, dahil nagmula sa mayamang angkan si Mateo, ipina-background check umano ng pamilya nito si Erich.

“Pina-background check pala ng pamilya ni Lorenzo itong si Erich Gonzales,” chika ni Cristy sa naikwento ni Manay Lolit sa kanyang programang Cristy Ferminute nitong Miyerkules, Pebrero 23.

Kalauna’y naging boto naman umano ang pamilya ni Mateo sa aktres.

“Nung kinalaunan okay na,” ani Cristy.

Pinuri ni Cristy ang pagsasapribado ni Erich ng relasyon nito na kadalasan aniya’y problema sa ilang artista.

Basahin: Erich Gonzales, ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ang maganda kay Erich, hindi siya maingay. Hindi niya ipinagyayabang na may boyfriend siyang anak ng bilyonaryo,” ani Cristy.

“’Di katulad ng iba d’yan na gumanda lang ang kotse ng boyfriend akala mo kung sinong pinapa-show na sa buong bayan,” tila pasaring ng showbiz host.

“Si Erich tahimik. Ganoon ang mga artista, ‘pag tahimik, nagkakatuluyan,” dagdag niya.

Dahil umano sa pagiging pribado ng aktres sa katauhan ng boyfriend nito kaya’t mauuwi sa altar ang kanilang relasyon.

“Tahimik yung bata. Maldita na kung sa maldita. Simangutera na kung simangutera pero binibigyan niya ng privacy ang boyfriend niya,” ani Cristy.

“Hindi siya nag-uumangas. Hindi siya nag-iingay. Hindi nagmamalaki,” dagdag nito.

Patuloy na chika pa ni Cristy na nasagap naman niya sa kaibigang nagtatrabaho sa isang paliparan, maka-ilang beses din umanong sinundo si Erich gamit ang isang Bently car sa isang airport noon.

Nauna nang nai-chika ni Kris Aquino noong 2018 na isang mayamang manliligaw umano ang pumunta sa shooting ni Erich sa Siargao gamit ang isang private plane.

How true na super-rich ang mapapangasawa ni Erich? Ilang netizen lang naman ang nag-ugnay kay Mateo sa isang mayamang angkan ng mga Lorenzo sa Davao na may-ari umano ng mga kilalang brands na Pancake House, Del Monte, bukod sa iba pa.

Tags: Cristy Ferminerich gonzalesManay Lolit SolisMateo Lorenzo
Previous Post

Pulis-QC na namaril ng estudyante, kinasuhan na!

Next Post

Mga militanteng grupo, nagprotesta sa QC vs kandidatura ni Marcos

Next Post
Mga militanteng grupo, nagprotesta sa QC vs kandidatura ni Marcos

Mga militanteng grupo, nagprotesta sa QC vs kandidatura ni Marcos

Broom Broom Balita

  • Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler
  • Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang– DOTr
  • Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’
  • ‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong
  • Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19
Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler

Hillary Clinton, nagsalita tungkol sa pagpapasara sa Rappler

June 30, 2022
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

Libreng sakay at libreng antigen testing sa MRT-3, hanggang ngayong Huwebes na lang– DOTr

June 30, 2022
Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

Jerry Gracio kina Martin, Jed: ‘Why sing praises to the man who calls your company kawatan?’

June 30, 2022
‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

June 30, 2022
Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

Kris, mga anak na sina Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

June 30, 2022
PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

June 30, 2022
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’

June 30, 2022
Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

June 30, 2022
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.