• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Cristy Fermin, abogado lang daw ni Dawn Chang ang irereklamo, sey ni Atty. Topacio

Richard de Leon by Richard de Leon
February 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Cristy Fermin, abogado lang daw ni Dawn Chang ang irereklamo, sey ni Atty. Topacio

Cristy Fermin at Dawn Chang (Larawan mula sa Balita Online/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nilinaw ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni showbiz columnist Cristy Fermin, na pinag-uusapan na nila ng kaniyang kliyente ang planong pagsasampa ng reklamo laban sa abogado ni Dawn Chang na si Atty. Rafael Vicente Calinisan, ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Ayon umano kay Atty. Topacio na bumalik sa Davao noong Pebrero 21, pagbalik niya raw ng Maynila ay pag-uusapan na nila ng kliyente ang kasong isasampa laban kay Atty. Calinisan, kaugnay ng naging pahayag nito laban kay Cristy, matapos maglabas ng demand letter na nag-aatas ng public apology para sa kliyente nitong si Dawn Chang, hanggang hatinggabi ng Pebrero 16, 2022.

Pagdidiin ng legal counsel ng showbiz columnist, labas umano sa isyu ni Dawn Chang at ang sakop lamang daw nito ay ang mga pahayag ni Atty. Calinisan. Lumagpas daw ang Pebrero 16 na walang paghingi ng dispensa sa panig ng abogado, ayon umano kay Atty. Topacio nang makausap ito ng taga-PEP noong Pebrero 19, sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

“Hiwalay naman ito kung ano yung ipa-file ni Dawn Chang. Ang task naman namin dito ay si Atty. Calinisan, for issuing that public statement na tingin namin ay labag sa batas at labag sa kanyang code of conduct bilang isang abogado. Iba naman po ‘yun,” sagot umano ni Atty. Topacio.

Hindi naman binanggit kung anong kaso ang isasampa nila. Nakadepende raw ito sa magiging pahayag ng saksi. Ngunit sinabi umano ni Atty. Topacio na ang misconduct sa isang abogado ay administrative case para sa disbarment.

“Puwede ka naman mag-statement na abogado. Ako… I make public statement all the time pero hindi personal,” giit pa ni Atty. Topacio.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Atty. Calinisan o maging si Dawn Chang hinggil sa isyung ito.

Tags: Atty. Ferdinand Topacioatty. rafael vincent calinisanCristy FerminDawn Chang
Previous Post

Pacquiao, lalong ‘sumiklab’: ‘Tuloy ang pagtutol sa mga ganid at kawatan sa pamahalaan’

Next Post

‘Campaign photo’ ni Mark Manicad na nakasuot ng uniporme ng pulis, sinita ng PCADG Region 12

Next Post
‘Campaign photo’ ni Mark Manicad na nakasuot ng uniporme ng pulis, sinita ng PCADG Region 12

'Campaign photo' ni Mark Manicad na nakasuot ng uniporme ng pulis, sinita ng PCADG Region 12

Broom Broom Balita

  • BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP
  • Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima
  • Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors
  • Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na
  • ₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd
Auto Draft

BuCor, binaklas ang mga kuntador na ilegal na nakakabit sa NBP

August 19, 2022
Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

Grupo ni US Senator Edward Markey, bumisita na kay De Lima

August 19, 2022
Manay Lolit Solis sa kaniyang followers: ‘Pray for my recovery, ang hirap ng may sakit’

Manay Lolit, 75, sasailalim sa isang kidney transplant, grateful sa kaniyang sponsors

August 19, 2022
Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

Updated total gross ng ‘Maid in Malacañang,’ nasa P330M na

August 19, 2022
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

August 19, 2022
‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

August 19, 2022
Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

August 19, 2022
Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.