QUEZON – Sugatan ang dalawang pilotong opisyal ng pulisya at isa pang pulis matapos na bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Real nitong Lunes ng umaga.
Sa insyal na ulat, kabilang sa mga nasugatan sina Lt. Col. Dexter Vitug (piloto), Lt. Col.Michael Melloria (co-pilot), at Patrolman Allen Noel Ona.
Bago ang insidente, patungo sana ang mga ito sa Manila Domestic Airport sa Pasay City, lulan ng Airbus H125 na may registry No. RP-9710 upang sunduin si PNP chief, Gen. Dionardo Carlos at ihahatid sa Balesin Airport sa Real, Quezon nang maganap ang insidente dakong 8:15 ng umaga.
Kaagad na isinugod sa CM Recto Hospital sa Infanta, Quezon ang tatlong pulis, ayon kay Real Municipal Police chief, Capt. Jernie Junne Merka.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.
Danny Estacio