• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kylie, ni-like ang video; AJ at Aljur, super sweet habang nasa beach?

Richard de Leon by Richard de Leon
February 21, 2022
in Showbiz atbp.
0
Kylie, ni-like ang video; AJ at Aljur, super sweet habang nasa beach?

Kylie Padilla, Aljur Abrenica, at AJ Raval (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon ang pagla-like ni Kylie Padilla, estranged wife ng aktor na si Aljur Abrenica, sa ‘intimate beach video’ na ibinahagi ng Viva sexy actress na si AJ Raval sa kaniyang Instagram account.

Sa uploaded video clip, makikitang isang babae ang binitbit paitaas at umangkas sa kanang balikat ng isang lalaking hubad-baro habang sila ay nasa beach. Bagama’t walang caption at hindi tukoy kung sino-sino ba ang mga ito, ipinagpalagay ng mga netizen na ito ay sina Aljur at AJ mismo. Wala kasing face reveal at isa pa, naka-black and white ito.

Tumindi pa ang haka-haka na sila ni Aljur ang magkasama sa beach dahil sa February 12 IG post ni AJ kung saan makikitang nakasuot siya ng blue dress habang nasa beach.

Screengrab mula sa IG/AJ Raval
Screengrab mula sa IG/AJ Raval

Hindi nakalagpas sa mapanuring mga mata ng mga ‘Marites’ ang pag-like umano ni Kylie sa video na ito. Matatandaang sinabi na ni Kylie noong 2021, sa kasagsagan ng hiwalayan nila ni Aljur, na malaya na ang dating mister na makipag-date kahit kanino, at hindi rin si AJ ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.

Nagkomento naman dito ang katambal ni AJ na si Sean De Guzman sa pelikulang ‘Hugas’.

Subalit mukhang ayaw paawat ng mga netizen at tinadtad ng iba’t ibang mga komento ang naturang IG post.

“At proud pa nga na kabetchi siya.”

“Proud na proud pang manira ng pamilya ??????.”

“Stay happy! ? Everything else is just background noise.”

“Di ko alam kung iiyak ba ako o masaya para sa ‘yo? support pa rin kita lods❤️ be happy kung saan ka masaya?.”

“Happy for you, don’t mind the bashers, stay strong, love you ate lods!❤️.”

“Happy for you po stay strong aj and aa.”

“Si Kylie na may sabi matagal na silang wala ni Aljur and they both agreed na pwede na sila makipag-date or makipagrelasyon sa iba. Bakit di kayo maka-move on? Hindi naman natin alam buong istorya nila. Tsk.”

“Mga babae sasabihin na lang na malaya ka na kahit sa loob-loob nila hindi pa talaga, my part pa roon na gusto niya maayos kung gugustuhin lang ng lalake tumino asawa niya eh pero hindi mo pwedeng pilitin ang isang lalake kung ayaw niya na maayos pamilya niya kasi nga nabaliw na siya sa isang babaeng imbes na umiwas mas pinili pa din yung tawag ng kal*ndian.”

Samantala, ipinaliwanag naman ni Aljur na kaya sila naispatang magkasama ni AJ sa isang hotel sa Leyte ay dahil sa raket na kanilang pinuntahan. Kumain, nagbihis, at nag-freshen up lamang daw sila roon, at dahil Valentine’s Day, nahaluan na kaagad nang malisya ang kanilang litrato.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/aljur-nagpaliwanag-kumain-at-nagbihis-lang-sila-ni-aj-sa-hotel-to-freshen-up/

Makikita naman ang mga resibo nito sa mismong Facebook post ni AJ.

Tags: AJ Ravalaljur abrenicaKylie Padilla
Previous Post

Taliwas sa isang pahayag, walang naging banta sa seguridad sa Manila caravan ni BBM — Spox

Next Post

Pulis, timbog sa nakaw na kotse sa Laguna

Next Post
Pulis, timbog sa nakaw na kotse sa Laguna

Pulis, timbog sa nakaw na kotse sa Laguna

Broom Broom Balita

  • John Lapus, may pasaring sa mga artistang lumipat ng network pero may pending show pa
  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.