• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro Eleksyon

Face shield sa campaign events, ‘di mandatory sa ilalim ng Alert 3, 2, 1 – Comelec

Balita Online by Balita Online
February 21, 2022
in Eleksyon, National / Metro
0
Face shield sa campaign events, ‘di mandatory sa ilalim ng Alert 3, 2, 1 – Comelec

JANSEN ROMERO/MANILA BULLETIN File Photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 3, 2, at 1, ayon sa New Normal Manual ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 2022 polls.

Batay sa manual, ang paggamit ng mga face shield ay dapat na “boluntaryo” para sa mga lugar sa ilalim ng Alert Levels 3, 2, at 1 alinsunod sa Memorandum ng Executive Secretary na may petsang Nob. 15, 2021, sa Protocols on the Use of Face Shields.

Sa ilalim ng General Guidelines na inilabas ng poll body noong Peb. 18, ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa minimum na health and safety protocols ay kailangan pa rin para sa kaligtasan ng mga botante.

Kinakailangan ding sumailalim ang mga botante sa isang non-contact temperature check sa pagpasok ng mga presinto ng botohan at dapat nilang obserbahan ang hindi bababa sa isang metrong distansya sa isa’t isa. 

Kung ang temperatura ng isang botante ay 37.5 Celsius pataas, siya ay imo-monitor ng mga medikal staff at kung ang botante ay may lagnat agad siyang dadalhin sa isang nakahiwalay na pasilidad ng botohan upang bumoto.

Bukod dito, ang bilang ng mga tao sa loob ng mga polling precinct ay ire-regulate ng poll body batay sa alert level sa lugar upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James B. Jimenez na ang kaligtasan ng publiko ang kanilang primordial concern sa pagsasagawa ng botohan.

Nauna rito, sinabi ni Jimenez na ang pagsusuot ng face shield ay kinakailangan sa mga campaign events dahil itinuturing ito ng poll body na “crucial cornerstone of minimum health protocols.”

Jel Santos

Tags: Commission on Elections
Previous Post

Mayor Isko sa mga nasimulan sa Maynila: ‘Kayang-kaya na ipagpatuloy ni VM Honey Lacuna’

Next Post

Taliwas sa isang pahayag, walang naging banta sa seguridad sa Manila caravan ni BBM — Spox

Next Post
Taliwas sa isang pahayag, walang naging banta sa seguridad sa Manila caravan ni BBM — Spox

Taliwas sa isang pahayag, walang naging banta sa seguridad sa Manila caravan ni BBM -- Spox

Broom Broom Balita

  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
  • Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo
  • ‘Say hello to Bobi!’ Bagong naitalang oldest dog ever, miraculous daw na nabuhay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.