• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro Eleksyon

Villanueva, layong muling ihain ang ‘stop endo’ bill; nasaktan sa pag-veto noon ni Duterte

Balita Online by Balita Online
February 20, 2022
in Eleksyon, National / Metro
0
Magulong hiring program? Villanueva, naghapag ng ilang rekomendasyon sa DOH

Sen. Joel Villanueva via Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inamin ni Senador Joel Villanueva na “nasaktan” siya sa pag-veto ni Pangulong Duterte sa Security of Tenure (SOT) bill na tutupad sana sa kanyang pangako noong kampanya na wakasan ang kontraktwalisasyon.

Ang senador, na tumatakbo para sa muling halalan, ay ang chairman ng labor committee ng Senado.

Gayunpaman, nangako siyang muling ihahain ang panukalang batas kapag nanalo siya sa isa pang termino.

“Kung merong isang tao na pinakanasaktan during that time when it was vetoed, si Senator Joel Villanueva po yan,” aniya sa kanyang guesting sa radio show ni Vice President Leni Robredo sa dxZL.

“You know how we worked very very hard for this measure. Taon ang binilang , consultations left and right, both camps may konting galit sa akin,” dagdag ni Villanueva.

Nangako ang senador na ihahain muli ang end of contractualization (Endo) bill bilang priority measure sa susunod na Kongreso.

“Kaya tayo, we are hoping na mangyari ito sa susunod na panahon,” ani Villanueva.

Bagama’t guest candidate din siya ng ibang partido at tandem, ikinatuwa ng senador si Robredo na tinalakay sa kanya ang kanyang mga programa at adbokasiya.

“Si VP Leni made sure we sit down and talk about our programs especially iyong paggawa and paglikha ng trabaho and we appreciate it po,” pagpupunto niya.

Noong Hulyo 2019, tumanggi si Duterte na pirmahan ang SOT bill kahit na na-certify niya ito bilang urgent.

Sa isang dalawang-pahinang veto message na ipinadala sa Kongreso, binanggit ng Punong Ehekutibo ang “delicate balance” sa pagitan ng mga empleyado at mga employer.

Aniya, mas makakasama ang mga manggagawang Pilipino kung tatanggi ang mga negosyo na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa panukalang batas.

Ibinahagi ni Villanueva na ikinagulat niya ito dahil walang nagpaalam sa kanya mula sa Palasyo kahit na lubos niyang inaasahan na mapipirmahan ito dahil isa itong “urgent measure, priority measure.”

“Ito po ay binabanggit tuwing State of the Nation Address ng ating pangulo at all of a sudden it was vetoed,” pagkadismaya nito habang idinagdag niyang hindi niya naranasan ang isang panukalang batas na sertipikadong urgent ngunit natanggihan ng pirma.

Tinanong ni Villanueva ang noo’y Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia kung naimpluwensyahan niya si Duterte na i-veto ang panukalang batas ngunit itinanggi niya na siya ang dahilan ng desisyon.

“In his own words, the night before it was vetoed, the President met with Chamber of Commerce [officials],” pagbubunyag ng senador.

Nauna rito, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nagsumite sila ng mga panukalang pagsasaayos sa SOT bill sa Pangulo.

Nauna nang ibinunyag ni Pernia na “we have to be sure that the law benefits not only workers but also the employers.”

Naniniwala ang mga business group na maaaring pigilan ng panukala ang mga mamumuhunan na mag-invest sa bansa, na magreresulta sa pagkawala ng trabaho. Sa halip, gusto nila ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na batas, kabilang ang iligal na kontraktwalisasyon.

Raymund Antonio

Tags: Duterte administrationSecurity of Tenure BillSenador Joel VillanuevaStop Endo Bill
Previous Post

Winner! Hipon Girl, nahalikan sa pisngi si John Lloyd Cruz

Next Post

Wilma Doesnt, ibinahagi ang prenup photos nila ng jowa: ’15 yrs hinintay ko para sa pic na ito noh!’

Next Post
Wilma Doesnt, ibinahagi ang prenup photos nila ng jowa: ’15 yrs hinintay ko para sa pic na ito noh!’

Wilma Doesnt, ibinahagi ang prenup photos nila ng jowa: '15 yrs hinintay ko para sa pic na ito noh!'

Broom Broom Balita

  • Felip, nagpabilib sa debut EP na ‘COM.PLEX’; nais patunayang ‘versatile’ ang SB19
  • Allein Maliksi, bumida: Bossing, dinurog ng Meralco
  • Benepisyo para sa mga naging pangulo ng PH, isinusulong ng ilang senador
  • Jona Viray, Kapamilya pa rin, balik-ASAP na matapos machikang babalik sa GMA-7
  • NLEX, 4-0 na! Phoenix Fuel Masters, pinadapa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.