• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kampo nina Cristy, Dawn, parehong wala pang public apology; anong susunod na ‘ganap’?

Richard de Leon by Richard de Leon
February 20, 2022
in Showbiz atbp.
0
Kampo nina Cristy, Dawn, parehong wala pang public apology; anong susunod na ‘ganap’?

Dawn Chang at Cristy Fermin (Larawan mula sa Manila Bulletin/Balita Online)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Marami ang ‘abangers’ kung maglalabas ba ng public apology sa isa’t isa ang kampo nina Cristy Fermin at Dawn Chang bago at mismong araw ng Pebrero 16, subalit walang nag-isyu sa kanilang dalawa, o walang pagbawi sa mga nauna nilang pahayag laban sa isa’t isa.

Kaya tanong ngayon ng mga netizen, ano na ang susunod na mga ‘ganap’ gayong pareho silang nagbanta na kung hindi susunod ang bawat kampo sa ibinigay na ultimatum na nakasaad sa kani-kanilang mga demand letter, ay gagawa na sila ng susunod na legal na hakbangin tungkol dito.

Ngunit mukhang hindi pagigiba si Cristy dahil ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, naghahanda na ang legal counsel ng showbiz columnist na si Atty. Ferdinand Topacio. May isasampa umano silang reklamo laban sa abogado ni Dawn Chang na si Atty. Rafael Vicente Calinisan.

“We’re now laying the groundwork for filing next week,” pahayag umano ni Atty. Topacio noong Biyernes ng umaga, Pebrero 18, sa text message na ipinadala nito sa PEP.

Nag-ugat ang isyung ito nang magbitiw ng mga pahayag ng pagkadismaya si Dawn Chang sa ginawang pag-host at pagsuporta ni dating Pinoy Big Brother (PBB) main host Toni Gonzaga sa UniTeam na pinamumunuan nina presidential candidate Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Sara Duterte.

Nagbigay naman ng reaksyon dito ang showbiz columnist at nagbitiw ng mga pahayag na “Itong si Dawn Chang, ayan nagkakaroon ng mga trabaho ’yan, alam na alam sa ABS. Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho? Eh, pa-bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss.”

Pagkatapos nito ay lumabas na ang demand letter mula sa legal counsel ni Dawn laban kay Cristy. Bago umano sumapit ang hatinggabi ng Pebrero 16, kailangan umanong maglabas ng full-page public apology ang showbiz columnist na mailalathala sa mga national broadsheets gayundin sa radio program nito, kung hindi ay sasampahan umano nila ng libel case ito. May pahayag pa rito na ipakukulong umano nila si Cristy.

Bagay na pinalagan naman ng kampo ni Cristy. Bakit daw kaagad-agad na dadalhin na kaagad siya sa kulungan ngayong hindi pa umano umaandar o naisasampa man lamang sa korte ang kanilang reklamo? Sa halip, sila ang nagbantang magdedemanda kung hindi umano hihingi ng public apology ang legal counsel ni Dawn dahil sa mga salitang ‘duwag’ at ‘sinungaling’ ang beteranang showbiz media personality.

Samantala, wala pa ring reaksyon o opisyal na pahayag ang kampo ni Dawn tungkol dito.

Tags: Atty. Ferdinand Topacioatty. ralph calinisanCristy FerminDawn Chang
Previous Post

Train commuters, pwede nang magpaturok ng COVID-19 vaccine sa LRT-2 Recto at Antipolo Station

Next Post

Robredo, timeout muna sa pangangampanya; nag-relax kasama ang pamilya

Next Post
Robredo, timeout muna sa pangangampanya; nag-relax kasama ang pamilya

Robredo, timeout muna sa pangangampanya; nag-relax kasama ang pamilya

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.