• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Barbie, kanino ‘nagpaambon’?; may payo sa mga ‘iniwan’

Richard de Leon by Richard de Leon
February 13, 2022
in Showbiz atbp.
0
Barbie, kanino ‘nagpaambon’?; may payo sa mga ‘iniwan’

Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inamin ni Kapamilya actress Barbie Imperial na kung may isang celebrity man sa showbiz na naibabahagi niya ang mga nangyayari sa kaniya, ito ay walang iba kundi si Angelica Panganiban.

Sa presscon ng digital series para sa iWantTFC na ‘The Goodbye Girl’, sinabi ni Barbie na halos lahat umano ng mga desisyon niya sa buhay ay isinasangguni niya sa co-star na si Angge. Magmula sa skin care hanggang sa love advices, isinasangguni ni Barbie kay Angge. Pakiramdam daw niya ay naambunan na siya ng wisdom ni Angelica sa mga bagay-bagay.

“Si Ate Angge talaga lahat ng desisyon ko sa buhay iti-text ko talaga siya. Kahit sa skin care, sa ganito, sa ganyan iti-text ko siya. Feeling ko naambunan na ako. Paambon ni Ms. Angelica Panganiban,” aniya.

Netizens laud Angelica Panganiban for new video against 'scammers' – Manila  Bulletin
Angelica Panganiban (Larawan mula sa Manila Bulletin/IG)

Dito rin ay naibahagi ni Barbie ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/13/the-goodbye-girl-barbie-binasag-na-ang-katahimikan-bakit-nag-babu-kay-diego/

“I think I’ve said this before a lot of times already. Hindi ako mabilis mag-give up na girlfriend. But if I feel like the other person is not growing with me, that’s the time I say goodbye na talaga.”

“Kasi para saan pa ako mag-stay if parang wala na akong naaambag sa growth mo?” ani Barbie.

“Based on experience, ako din ang nag-gu-goodbye. Some hindi pero noong nag-grow na ako, na-realize ko na maganda rin pala na nag-gu-goodbye ka nang maayos kahit gaano pa kasakit.”

“Kasi pumasok ka sa relasyon pinaalam mo eh. So alis ka, ipaalam mo rin. May mga umaalis din na ginagawa nila yung tama. May mga umaalis na napagod,” she also said. May mga umaalis na niloko. So for me, siguro sa hindi na lang mas masakit na pag-alis. Yung pag umalis ka dahil mahal mo na yung sarili mo.”

Kaya naman, may payo siya sa mga taong ‘iniwan’ ng kanilang mga karelasyon.

“Siguro ang mapapayo ko sa mga iniwan, i-take mo lang yung lahat ng time para mag-heal. Hindi mo kailangan madaliin and pag na-feel mo na ready ka na bumangon, ituloy-tuloy mo lang. Yung healing naman kasi hindi siya tuloy-tuloy. May mga days pa rin na paakyat ka na bababa then tataas.”

“You just have to remember that this is life eh. We get hurt but we learn from it. So doon sa experience na ‘yun may makukuha tayo so okay lang na masaktan. Tao ka lang naman,” aniya.

Samantala, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Diego tungkol sa detalye ng hiwalayan nila ni Barbie.

Tags: angelica panganibanBarbie Imperial
Previous Post

Jona Viray, bumirit sa naganap na ‘Pink Sunday’; in-endorso ang Leni-Kiko tandem

Next Post

Bongbong Marcos, hindi na nagulat nang i-endorso ng El Shaddai

Next Post
Bongbong Marcos, hindi na nagulat nang i-endorso ng El Shaddai

Bongbong Marcos, hindi na nagulat nang i-endorso ng El Shaddai

Broom Broom Balita

  • Kilalang pinakamatandang Hebrew Bible, isasapubliko sa Israel bago ibenta
  • Hiling na medical, financial assistance tutugunan ng Presidential Help Desk
  • Leni Robredo, bumisita sa Japan para sa Angat Buhay programs
  • Pasahero ng MRT-3, timbog dahil sa bomb joke
  • South Korea, magkakaloob ng tulong sa ‘Pinas para sa oil spill cleanup
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.