• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon Balitang Pangkalusugan

Lupaypay? Alamin ang mga pagkaing makakatulong upang pataasin ang iyong libido

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
February 12, 2022
in Balitang Pangkalusugan, Food & Drink, Kalusugan, Lifestyle
0
Lupaypay? Alamin ang mga pagkaing makakatulong upang pataasin ang iyong libido
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Excited ka ba para sa paparating na Pebrero 14? Nais mo bang si junjun ay sumigla o ‘di naman kaya’y rosas mo naman ang mamukadkad sa darating na Araw na mga Puso? Ano pang hinihintay mo? Alamin na ang mga pagkaing maaaring makapagpataas ng iyong libido upang bonding moments ng partner mo ay ‘di mapurnada.

Narito ang listahan ng mga dapat hindi mo makalimutan upang broom-brooman niyo ng iyong partner ay maging masaya at aktibo lalo na sa parating na Araw ng mga Puso:

  1. Tsokolate (Dark Chocolate), Oysters, at mga klase ng Berries

Una na sa listahan ay mga pagkain magbibigay sayo ng sigla at enerhiya. Ang mga pagkaing tulad ng dark chocolate at berries ay nakakapagpataas ng iyong dopamine level. Ang dopamine ay may responsable upang ikaw ay makaramdam ng kasiyahan at pagganyak. Kapag maganda ang pakiramdam mo na nakamit mo ang isang bagay, ito ay dahil mayroon kang surge ng dopamine sa utak. Samantala, ang oysters naman ay may mataas na zinc na kinakailan naman ng iyong katawan.

  1. Kangkong at iba pang green na gulay

Ang Kangkong ay nagtataglay ng magnesium na siya namang tumutulong upang paluwagin ang iyong blood vessels. Sa ilang pag-aaral, nakakadagdag ng mas magandang arousal ang maayos at maluwag na daloy ng dugo kaya naman mainam ito para pasarapin ang inyong pagtatalik.

  1. Okra

Tulad rin ng mga nauna sa listahan, ang okra ay nagtataglay ng mataas na magnesium level. Bukod sa pagpapaluwang ng daluyan ng dugo, nakakatulong rin ito upang maiwasan ang muscle cramps lalo na sa oras ng inyong siping.

  1. Sili

Nakakatulong ang sili o mga pagkaing maaanghang upang madagdagan ang iyong metabolismo at pasiglahin ang iyong endorphin. Ang mga endorphins ay nagdudulot ng positibong pakiramdam sa katawan, katulad ng sa morphine. At dahil nagiging mainit ang iyong pakiramdam, nagiging sexual stimulant rin ang sili.

  1. Prutas tulad ng Saging at Pakwan

Ang saging ay tunay ngang magpapakalakas ng iyong ‘saging’ rin dahil ang nasabing prutas ay nagtataglay ng bromelain enzyme, na siyang esensyal upang pataasin ang iyong libido. Samantala, ang nagiging stimulant naman ang pakwan dahil sa ito ay naglalamang ng citrulline, isang uri ng amino acid na nakakatulong sa iyong blood vessels.

  1. Unsweetened Tea

Maganda ang tsaa bilang antioxidant na siya namang nakakatulong upang pagandahin ang daloy ng dugo. Kung maayos ang daloy ng dugo, tiyak na gaganda ang memorya, pokus, at mood. Bakit nga ba kinakailangan na unsweetened? Ayon sa ilang pag-aaral, nagiging sahindi ng pagbaba ng endorphins ang mataas na sugar sa katawan.

Ano naman ang mga pagkain na kinakailangan mong iwasan?

Ang mga sumusunod na pagkain ay nakakapagpababa ng testosterone level ng katawan:

  1. Junk Foods
  2. Pritong Pagkain
  3. Popcorn
  4. Kape (Kung lalabis)
  5. Alak o Serbesa (Kung lalabis)
  6. Soft drinks (Kung lalabis)

Ang mababang testosterone level ay nagreresulta sa pagbaba ng libido.

Previous Post

OCTA: NCR ADAR at reproduction number, bumaba pa

Next Post

Birthday wish ni Angel Aquino, ‘better Philippines’: ‘Kaya iboboto ko si Leni’

Next Post
Birthday wish ni Angel Aquino, ‘better Philippines’: ‘Kaya iboboto ko si Leni’

Birthday wish ni Angel Aquino, 'better Philippines': 'Kaya iboboto ko si Leni'

Broom Broom Balita

  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
  • ₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga
  • ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

September 28, 2023
Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.