• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mayor Isko, bukas na mag-adopt ng senatorial bets

Balita Online by Balita Online
February 10, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Mayor Isko, bukas na mag-adopt ng senatorial bets

PHOTO COURTESY: ALI VICOY

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inihayag ni Aksyon Demokratiko Presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na bukas siyang mag-adopt ng senatorial candidates na hayagang magpapahayag ng suporta hindi lamang sa kanyang kandidatura, kundi maging sa kandidatura ng kanyang ka-tandem na si vice presidential candidate Dr. Willie Ong.

Sinabi ni Moreno na nagkasundo sila ni Ong na hindi nila tatanggihan ang sinumang nais na sumuporta sa kanila.

“May isa lang kaming rule — kailangan ‘yung sasali sa aming senador kailangan sasabihin nila sa publiko na kami ang kandidato nila,” ayon kay Moreno.

Naniniwala si Moreno na ang isang guest senatorial candidate ay dapat na mayroong isang presidential candidate lamang na susuportahan.

Hindi aniya niya nais ang ideya na ang isang senatorial bet ay kasali sa tiket ng dalawa o mas marami pang presidential candidates dahil katumbas aniya ito nang panloloko sa mga mamamayan.

Sinabi pa ni Moreno na nang tumakbo siya sa pagka-senador noong 2016 ay sumama siya sa senatorial ticket ni Sen. Grace Poe, at tinanggihan ang alok na maging guest candidate ng ibang ticket dahil nakapag-commit na aniya siya kay Poe na ito ang kanyang nag-iisa at tanging presidential candidate.

“Hindi naman sarado, wala pang guest candidate. I have to be fair pag dumarating sila. Dumating silang tao so tao rin naming silang tinuturing kasi kahit naman hindi tayo nakapag-aral sa tamang panahon marunong naman tayong makipag-kapwa tao. ‘Yun ang mahalaga. Maiparamdam natin sa kanila na dilaw, pula, o sino pa pwede naman namin kayong makasalamuha pero kami as of today ang kandidato ko na vice president ay si Doc Willie, ang kandidato ko na senador si Samira Gutoc, si Jopet Sison, at si Carl Balta. Lahat wine-welcome namin, lahat ng gustong tumulong sa amin, thank you very much. Ang pobre hindi nakakapamili masyado,” aniya pa.

Una nang sinabi ni Moreno na umaasa siyang mas marami pang kongresista, gobernador, mga bise gobernadora, alkalde, bise alkalde at iba pang opisyal ang susuporta sa kanila.

Umaasa rin aniya siya na matitiyambahan niya ang suporta ni Pang. Rodrigo Duterte.

“Pero hindi pa rin kami titigil na bumalik sa tao, diretso sa tao as what you have seen today again. Ngayon nga lang talagang literal na kaming humihingi ng boto, humihingi ng tulong sapagkat official na itong araw na ito so, we will continue this,” aniya pa.

“But we are hoping na pati senador baka tulungan din kami, kung sino man and that includes President Duterte para lang ‘yung future na tatanungin ninyo at least alam niyo na pati boto ni presidente hopefully ako ang maiboto niya,” pahayag pa ni Moreno.

Mary Ann Santiago

Tags: Eleksyon 2022Halalan 2022Isko Moreno DomagosoMatalinong Boto 2022
Previous Post

From PBB to PBBM? Direk Paul, tinawag na ‘my president’ si BBM

Next Post

Kakie: ‘Ok lang irespeto basta aminin na ok sa kanila ang mga mamamatay-tao, magnanakaw, sinungaling…’

Next Post
Kakie: ‘Ok lang irespeto basta aminin na ok sa kanila ang mga mamamatay-tao, magnanakaw, sinungaling…’

Kakie: 'Ok lang irespeto basta aminin na ok sa kanila ang mga mamamatay-tao, magnanakaw, sinungaling…'

Broom Broom Balita

  • Paano na ang iniwang kondisyon kay Jak? Barbie Forteza, ‘not so sure’ pa sa pag-aasawa
  • Andrew Schimmer, miss na miss na ang pumanaw na asawa: ‘I miss taking care of you’
  • Vilma Santos sa kaniyang apo na si Peanut: ‘Momsie Vi loves you so much’
  • Wilbert Tolentino, bet tulungan si Kapuso star Sanya Lopez kung sumabak na rin sa pageantry
  • Lumakas ulit! Magnolia, inubos ng TNT Tropang Giga
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.