• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Boxing

Dating nagtitinda ng pandesal, professional boxer na ngayon si Mark Magsayo

Balita Online by Balita Online
February 10, 2022
in Boxing, Sports
0
Dating nagtitinda ng pandesal, professional boxer na ngayon si Mark Magsayo
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Alam niyo bang wala sa plano at nagkataon lamang ang pagiging boksingero ng tubong Barangay Booy, Tagbilaran City, Bohol na si Mark Magsayo?

Noong 2003, walong taon pa lang si Magsayo ay nililibot na ang lahat ng kalye at ilang kalapit na beach ng lungsod dahil sa araw-araw na pagtitinda ng sorbetes at pandesal upang makatulong sa mga magulang nito.

Hanggang sa isang araw ng nabanggit ding taon, hindi niya sinasadyang manood ng laban nina Manny Pacquiao at Marco Barrera sa ALA Gym sa Bohol kung saan niya nasaksihan ang makasaysayang pag-knockout ng Pinoy boxer sa kanyang kalabang Mexican.

Kinabukasan, tinalikuran na niya ang pagtitinda ng sorbetes at pandesal kasabay na rin ng pag-uumpisa niya sa pagboboksing.

Sa unang pagsabak sa amateur, nakalasap siya ng sunud-sunod na pagkabigo sa tatlong laban hanggang sa makapag-uwi ng panalo sa ikaapat niyang pagtatangka.

Ginamit din ni Magsayo ang pagtutol ng ina sa pagpapatatag pa sa hangaring maipagpatuloy ang pagboboksing.

Muntik na ring umayaw si Magsayo matapos na magtapos ng high school. Gayunman, naisip niya na sanay na ang kanyang katawan sa mga suntok. 

Sa gitna nito, pinag-aralan niya ang mga laban ng iba’t ibang boksingero kasabay ng pangako sa sarili na mas magiging mahusay pa ito kumpara sa mga ito kaya nagdesisyon pa ring maipagpatuloy ang sinimulan.

Pinatunayan ni Magsayo ang pangako sa sarili nang tanghaling 4-time amateur boxing champion sa taunang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) national tournaments kung saan din nakasungkit ng dalawang beses na titulong “Best Boxer.”

Nang maging professional boxer, una niyang nakalaban si Melton Sandal noong Mayo 25, 2013 kung saan natalo niya ito via first-round knockout.

Abril 23, 2016 nang malasap ni Magsayo ang pinakamalaking pagsubok sa kanyang pagboboksing matapos na makalaban ang dating world title challenger na si Chris Avalos na natalo rin nito sa pamamagitan ng knockout kaya nahablot nito ang WBO International featherweight title.

At ang pinakahuling laban ni Magsayo ay nitong Enero 22, 2022 o matapos ang anim na taon, sa Amerikanong si Gary Russell, Jr sa Borgata Hotel Casino & Spa in Atlantic City, New Jersey kung saan tinalo rin niya ito.

Dahil dito, napasakamay niya ang WBC featherweight title.

Previous Post

Halos 500,000 doses ng Pfizer vaccine, dumating sa Pilipinas

Next Post

Manny Castañeda, todo tanggol kay Toni; sinunog ang mga ‘Pinklawan’

Next Post
Manny Castañeda, todo tanggol kay Toni; sinunog ang mga ‘Pinklawan’

Manny Castañeda, todo tanggol kay Toni; sinunog ang mga 'Pinklawan'

Broom Broom Balita

  • LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo
  • Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’
  • Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado
  • 74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

June 6, 2023
Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

June 6, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

June 6, 2023
Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

June 6, 2023
Auto Draft

US Embassy in Manila, ‘proud’ na idinisplay Progress Pride Flag

June 6, 2023
Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

June 6, 2023
Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

June 6, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Negros Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

June 6, 2023
Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika

Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.