Nanawagan ang Quezon City government sa mga magulang na ipabakuna na ang kanilang anak edad 5-11 para na rin sa proteksyon laban sa coronavrus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni Dr. Malu Eleria, action ng QC Task Force Vax to Normal, mahalaga rin aniyang mabigyan ng bakuna ang mga batang nasa nasabing age group katulad ng mga nasa hustong gulang upang hindi kaagad madapuan ng nabanggit na sakit.
“Huwag nating i-deprive ang ating mga anak ng extra protection katulad ng naibigay na proteksyon sa ating adult population. Ang bakuna ay nakakatulong para maiawasan ang malubhang pagkakasakit o kamatayan,” sabi pa nito.
Kaugnay nito, nanawagan din ang opisyal sa mga batang magpapakuna na pairalin pa rin ang safety at health protocol laban sa COVID-19.
PNA