• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Toni Gonzaga, host ng proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Sara sa Bulacan

Richard de Leon by Richard de Leon
February 8, 2022
in Balita Archive
0
Toni Gonzaga, host ng  proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Sara sa Bulacan

Bongbong Marcos, Toni Gonzaga, at Sara Duterte (Larawan mula sa FB/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Si ABS-CBN host-actress-vlogger Toni Gonzaga-Soriano ang host ng gaganaping proclamation rally ng UniTeam nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.

Ibinahagi ito sa Facebook page na ‘BBM SARA Worldwide Supporters’, na ibinahagi naman ng Kapamilya host at tumatakbong kinatawan ng party-list na ‘Tingog’ na si Momshie Karla Estrada.

Bongbong Marcos, Toni Gonzaga, at Sara Duterte (Larawan mula sa FB/Karla Estrada)

Kumakalat din sa TikTok ang video clip ng rehearsal ni Toni habang kumakanta ng ‘Ako ay Pilipino’ sa Philippine Arena.

No description available.
Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)

Matatandaang inulan ng kritisismo si Toni nang isagawa niya ang panayam kay BBM noong Setyembre 24, 2021, sa kaniyang talks show vlog na ‘ToniTalks’.

Inakusahan si Toni na siya raw ay isang ‘Marcos apologist.’

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/14/toni-gonzaga-inulan-ng-kritisismo-matapos-ang-panayam-kay-bbm/

To the rescue naman si BBM at dinepensahan ang inaanak sa kasal na si Toni.

“Nagulat ako, bakit naman inatake si Toni? Ginagawa niya lang ang trabaho niya as a vlogger. Lahat naman ini-interview niya, wala naman siyang pinipili. Kung tignan mo ang ini-interview niya, iba-Iba,” paglalahad ni Marcos, Jr.

“Kung nagagalit kayo sa akin, okay lang, pero wala namang kasalanan si Toni,’ dagdag ng dating senador.

“Bakit niyo naman inaano [inaatake] si Toni Gonzaga. She’s a vlogger, she’s not a journalist. Although I have to say, she does a better job than some of the journalists,” papuri pa ni BBM sa host.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/18/depensa-ni-bbm-sa-bagong-interbyu-wala-namang-kasalanan-si-toni/

Samantala, bukod kay Toni ay inulan din ng kritisismo ang kaniyang mister na direktor na si Paul Soriano dahil sa hayagang pagpapakita ng suporta sa BBM-Sara tandem. Sa katunayan, si Direk Paul pa ang naging direktor ng campaign ad ng UniTeam, na inulan din ng kontrobersya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/paul-soriano-kinuyog-dahil-sa-resibo-ng-tv-shoot-ng-unity-ad-sa-panahong-may-sakit-si-bbm/

Kinukuwestyon kasi ng mga netizen ang petsang nakalagay sa clapper (January 8) kung saan makikitang nagsagawa umano sila ng shooting, gayong noong January 7 ay hindi dumalo si BBM sa hearing ng kaniyang disqualification case sa Comelec dahil kailangan umano niyang sumailalim sa isolation, dahil sa COVID symptoms noong January 6. Isang medical certificate pa ang nailabas na may petsang January 7.

Ngunit kaagad namang ipinaliwanag ni Direk Paul ang kaniyang panig sa pamamagitan ng tweet, kalakip ang ilang mga litrato. Aniya, totoo na may shoot sila noong January 8 subalit hindi kasama rito sina BBM at Sara. Ang tanging kasama lamang niya ay ang mga staff at crew. Ang nakita umano ng mga netizen ay ang mga nauna na nilang shooting, kaya inakala nilang kasama si BBM sa January 8 shooting.

“The UNITY commercial was shot all over the Philippines for one week. On January 8, 2022, I was in Davao with my staff and crew shooting the Davao portion of the commercial. We were in Brgy. Kapatagan capturing the beauty of Mt. Apo,” aniya.

Samantala, marami naman sa mga BBM-Sara supporters ang natuwa na si Toni ang magiging host ng UniTeam proclamation rally dahil mahusay at de-kalibre na raw ito para sa naturang gawain.

Ngunit marami din sa mga kritiko ni Toni ang dismayado dahil isa sa mga ipakikilala nito ang senatorial aspirant na si Rodante Marcoleta na nanguna sa hindi pag-apruba sa pagkakaroon ng panibagong prangkisa ng ABS-CBN. Sa kasalukuyan ay regular main host si Toni ng reality show na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Adult Edition.

Ang mga PBB hosts na sina Bianca Gonzales, Robi Domingo, at Enchong Dee ay mga tagasuporta naman ni Vice President Leni Robredo.

Habang isinusulat ito, nasa trendling list na si Toni Gonzaga at Philippine Arena.

No description available.
Screengrab mula sa Twitter

Tanong ng marami, makaapekto kaya ito sa kanilang samahan?

Tags: Eleksyon 2022Halalan 2022toni gonzagaUniTeam
Previous Post

PacMan, tinawag na ‘Ambassador for the Homeless and Vulnerable’ sa Mandaue City

Next Post

Willie Revillame, magmumuni-muni muna raw kung ano ang susunod na gagawin — Ka Tunying

Next Post
Willie Revillame, magmumuni-muni muna raw kung ano ang susunod na gagawin — Ka Tunying

Willie Revillame, magmumuni-muni muna raw kung ano ang susunod na gagawin -- Ka Tunying

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.