• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga Manilenyo, nagpakita ng suporta sa presidential bid ni Mayor Isko

Balita Online by Balita Online
February 8, 2022
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Mga Manilenyo, nagpakita ng suporta sa presidential bid ni Mayor Isko

PHOTO: ALI VICOY/FILE PHOTO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpakita ng puwersa at suporta ang mga residente ng Maynila sa presidential bid ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Martes, Pebrero 8, kasabay nang pag-arangkada na ng panahon ng kampanyahan para sa May 9, 2022 national elections.

Nagkulay-asul ang mga kalye sa Maynila dahil sa dami ng mga supporters ni Moreno, na nangakasuot ng mga asul na t-shirts, na walang pagod na sumasalubong at naghintay sa motorcade ng alkalde, na tumatakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng partido Aksyon Demokratiko.

Nabatid na bago ang motorcade, dumalo muna si Moreno at ang kanyang mga kapartido, kasama ang running mate na si Doc Willie Ong at Senatorial candidates na sina Dr. Carl Balita, Samira Gutoc at Atty. Jopet Sison, ng isang banal na misa sa Sto. Nino Parish Church sa Tondo, ganap na alas-7:30 ng umaga.

Inihalintulad rin ni Moreno ang kanyang sarili sa Biblical character na si David na lumaban sa higanteng si Goliath.

“The oldest history is in the Bible. Ang sinabi ‘yung mga matatangkad, matatayog, mga kilala, malalakas, tinalo ni David na galing sa ordinaryong pamilya. So, sa akin history repeats itself.  May kasabihan rin na ganon. So, may awa ang Diyos,” ayon kay Moreno.

Naniniwala si Moreno na tulad ni David ay kaya niyang talunin ang mga ‘Goliath’ ng Philippine politics at maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Ipinangako rin ni Moreno na tutugunan niya ang mga pangunahing pangangailangan at suliranin ng bansa tulad ng kanyang ginawa sa Maynila kung saan nagpocus siya sa health, livelihood, education, health care, poverty, hunger, unemployment, inequality, social injustice at iba pa.

Matapos ang banal na misa, si Moreno at ang kanyang team mates ay sumama na sa “Blue Wave” caravan sa buong lungsod ng Maynila, sa pangunguna ng may 10,000  motorcycle riders na nakasuot rin ng blue t-shirts. 

Libo-libong mga residente rin ang nagwagayway ng kulay asul na banners habang wini-welcome ang alkalde at ang kanyang grupo.

Matatandaang asul ang official color ni Moreno.

Matapos naman ang motorcade, magsasagawa umano ang partido ng napakasimpleng proclamation rally sa Kartilya ng Katipunan sa Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City hall ganap na alas-6:00 ng gabi.

“Yung aming proclamation rally would you believe by invitation lang because we really want to control ‘yung minimum health standards so we follow our own rules. It will not be a perfect campaign but pumanatag kayong lahat kami pipilitin naming sumunod, ‘yun ang kompromiso ko sa taong bayan,” sabi ni Moreno.

“As much as possible kasi gusto ko pa rin unawain ‘yung katatayuan ng tao na may pandemya pa, may impeksyon pa. So, hangga’t maaari, syempre gusto ko maiparamdam sa kanila na hindi lang ‘yung sarili namin ang iniisip namin, ‘yung kampanya namin, but also ‘yung katayuan nila sa loob ng impeksyon,” dagdag pa niya.

Mary Ann Santiago

Tags: Halalan 2022Manila Mayor Isko MorenoMatalinong Boto 2022
Previous Post

Proclamation rally ng Uniteam sa PH arena , ‘di katumbas ng endorsement mula INC — Rodriguez

Next Post

Stop-and-go style na kampanya ng Team Leni-Kiko sa CamSur, dinumog ng mga tagasuporta

Next Post
Stop-and-go style na kampanya ng Team Leni-Kiko sa CamSur, dinumog ng mga tagasuporta

Stop-and-go style na kampanya ng Team Leni-Kiko sa CamSur, dinumog ng mga tagasuporta

Broom Broom Balita

  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
  • Las Piñas, nag-aalok ng libreng konsultasyon sa mata, operasyon sa katarata
  • Suspek sa online estafa, inaresto ng pulisya sa Tarlac
  • Bilang ng nahawaan, tumaas? 819, nagpositibo sa HIV sa QC
  • Paano na ang iniwang kondisyon kay Jak? Barbie Forteza, ‘not so sure’ pa sa pag-aasawa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.