• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Willie Revillame, aalis ng GMA Network; lilipat nga ba sa TV station ni Manny Villar?

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
February 6, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Willie Revillame, aalis ng GMA Network; lilipat nga ba sa TV station ni Manny Villar?

Mga larawan mula sa Instagram ni Sam Versoza

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kumakalat sa social media ang larawan ng seasoned TV host na si Willie Revillame kasama ang bilyonaryong businessman na si Manny Villar. Hudyat na nga ba ito ng paglipat ng network ng Wowowin host?

Matatandaang nakuha na ng Advanced Media Broadcasting System Inc., media company na pagmamay-ari ni Villar, ang dalawang television broadcast frequency ng ABS-CBN. Kinumpirma rin ito ng The National Telecommunications Commission (NTC).

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/25/dating-frequency-ng-abs-cbn-na-channel-2-nakuha-na-raw-ng-media-company-ni-villar/

Gayunman, namataang kasama ni Revillame si Villar kaya’t mas lalong uminit ang haka-hakang lilipat na ng TV network ang aktor maging ang pag-ere ng programa nitong “Wowowin.”

Ibinahagi ng CEO at Film producer na si Sam Verzosa sa kanyang Instagram ang behind-the-scenes ng meetup nina Willie at Manny.

screengrab mula sa Instagram post ni Sam Verzosa

“Senator Manny Villar visits Kuya Wil in tagaytay, together w Congresswoman Camille Villar (Philippine flag),” aniya sa kanyang caption.

Larawan mula sa Instagram ni Sam Verzosa

May kalakip ding mga hashtag ang kanyang caption:“#GodsWil,” “#ItsWrittenInTheStars,” “#Wowowin,” and “#TutokToWin.” 

Sa isang pahayag ng GMA Network nitong Sabado ng gabi, Pebrero 5, ibinunyag nito na magtatapos na ang kontrata ni Willie Revillame sa darating na Pebrero 15. Dahil dito, hanggang Pebrero 11 na lang ang pag-ere ng sikat na programang “Wowowin.”

“We wish him good luck in his future endeavors,” anang GMA Network.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/kontrata-ni-willie-revillame-sa-gma-magtatapos-na-wowowin-hanggang-peb-11-na-lang/

Samantala, wala pang pahayag si Willie sa naturang issue.

Tags: Advanced Media Broadcasting System Incmanny villarwillie revillameWowowinWowowin: Tutok to Win
Previous Post

Cristy, di nakatulog matapos ‘madulas’ sa isang blind item sa hunk actor na pinagdududahang beki

Next Post

Duterte, idinipensa: Roque, tinira ang Senate Blue Ribbon Committee ni Gordon

Next Post
Duterte, idinipensa: Roque, tinira ang Senate Blue Ribbon Committee ni Gordon

Duterte, idinipensa: Roque, tinira ang Senate Blue Ribbon Committee ni Gordon

Broom Broom Balita

  • ‘Sey mo, Tom?’ Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo
  • Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa 100 worst dishes in the world
  • Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng katamtamang ulan dulot ng amihan
  • Mona Alawi, naiyak sa concert ng ENHYPEN
  • John Prats, sobrang saya sa pagiging ninong sa anak ni Angelica Panganiban
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.