• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Dagdag Balita

‘Kape Chronicles’ na pinagbibidahan ni Imee Marcos, tampok ang ‘malamlam’ na kape ni ‘Len-len’

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
February 7, 2022
in Dagdag Balita, Features
0
‘Kape Chronicles’ na pinagbibidahan ni Imee Marcos, tampok ang ‘malamlam’ na kape ni ‘Len-len’

Screengrab mula sa VinCentiments

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagbabalik sa Vincentiments si Senadora Imee Marcos at Roanna Marie para sa “Kape Chronicles: Len-len and Life,” ngayon, sentro sa kape ni Len-Len na “walang substance.”

Binuksan ang video sa pagmamadali ng senadora para humabol sa session kung saan inalok ni Roanna ang senadora ng kape ni Len-len habang hinihintay ito.

Dito sunod na nagpalitan ng kuro-kuro ang dalawa nang mapansing may “buo-buo” pa ang inihandang kape ni Len-len.

“Kapag nagtitimpla ka, hot water is your brain cell. Dapat kulong-kulo para makatunaw ng substance kasi kapag ‘di gaano tunaw tulad ng ganit,  itong kape ni Lenlen, walang masyadong substance—malamlam, malabo, hindi malinaw,” sabi ni Marcos.

“Good coffee is not about good taste. The color must also be vibrant. Dapat malinaw ang kulay hindi malabo. Iba-iba kasi ang flavor at variant ng kape. Parang tao,” dagdag niya.

Sunod na binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng tamang paghahalo ng kape.

“Kapag ang tao ‘di masyadong nakikinig. Hindi well-mixed ang thought, hindi naghahalo-halo ang mga idea, nararamdamam at kaalaman, magiging ganito—‘di malinaw ang kulay, malabo at may palutang-lutang.”

“Kutsarita is like an adviser. Tutulungan ka nito para maging well-mixed ang wisdom para sa decision-making at iba pang important matters,” pagpapatuloy ni Marcos.

Sumabat si Roanna na “goods naman si Lenlen” dahil sa advisers nito.

“Pero dapat ang kape ‘pag tinitimpla mo, sigurado. Panlasa mo yan eh. Ba’t ka aasa sa kutsarita? Ang pag-inom ng kape ay sa tasa hindi sa kutsarita,” sagot naman ni Marcos.

“Mahirap [ang] maraming advisers, too much mixing, may lulutang pa rin—bula,” dagdag ng senadora.

Nagtapos ang video na nagmamadaling umalis si Imee.

“Sabihin mo kay Len-len kahit magpalit pa siya ng kulay ng blouse, walang magbabago kung ang kape niya [ay] laging malabo. Mauna na ‘ko sa kanya,” saad ni Marcos.

“Anong mas mas bagay sayo, ‘yellow o pink’? Kahit ano na, parehas lang naman yan ‘di ba,” tugon ni Roanna nang tumawag si Len-len sa dulo ng video.

Matatandaang kilalang political color ng Liberal Party ang dilaw at kulay pink naman ang piniling kulay ng mga tagasuporta ni Robredo para sa kanyang kandidatura.

May disclaimer naman agad na mababasa sa caption ng video na nagsasaad na hindi “political content” ang nasabing video. Sa pag-uulat, tumabo na ito ng higit 43,000 reactions at halos 900,000 views sa Facebook.

Si Darryl Yap ang sumulat at direktor ng naturang video.

Tumatakbong Pangulo ang kapatid ni Marcos na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na May 2022 elections.

Tags: Senator Imee Marcos
Previous Post

Medina, itinalaga bilang bagong QCPD chief

Next Post

Naglalamay, 2 pang sasakyan, inararo ng van sa Cagayan, 9 patay

Next Post
Naglalamay, 2 pang sasakyan, inararo ng van sa Cagayan, 9 patay

Naglalamay, 2 pang sasakyan, inararo ng van sa Cagayan, 9 patay

Broom Broom Balita

  • Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics
  • Covid-19 positivity rate sa Cagayan, sumipa; pagbabakuna, muling ikinampanya
  • Kalahating kilo ng marijuana, nakumpiska sa 2 suspek, 1 menor de edad, sa Rizal
  • Comelec, umaasang madedesisyunan ngayong buwan ang panukalang ipagpaliban ang BSKE 2022
  • Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor
Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

August 7, 2022
Higit 1K na mga bata na may comorbidities, nakatanggap na  unang dose ng COVID-19 vaccine — DOH

Covid-19 positivity rate sa Cagayan, sumipa; pagbabakuna, muling ikinampanya

August 7, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Kalahating kilo ng marijuana, nakumpiska sa 2 suspek, 1 menor de edad, sa Rizal

August 7, 2022
Comelec, umaasang mas maraming reklamo sa paglabag ng eleksyon ang maisasampa

Comelec, umaasang madedesisyunan ngayong buwan ang panukalang ipagpaliban ang BSKE 2022

August 7, 2022
Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

August 7, 2022
‘Prof. Araneta-Marcos’: First lady, kumpirmadong magtuturo sa WVSU

‘Prof. Araneta-Marcos’: First lady, kumpirmadong magtuturo sa WVSU

August 7, 2022
F2f classes, makakatulong sa ekonomiya ng bansa — PBBM

F2f classes, makakatulong sa ekonomiya ng bansa — PBBM

August 7, 2022
‘Tortang talong’, best egg dish; ‘balut’, worst naman, ayon sa TasteAtlas

‘Tortang talong’, best egg dish; ‘balut’, worst naman, ayon sa TasteAtlas

August 7, 2022
‘Di ko kaya!’ Carmina, naloka sa mainit na eksena ng karakter ni Zoren sa ‘Apoy sa Langit’

‘Di ko kaya!’ Carmina, naloka sa mainit na eksena ng karakter ni Zoren sa ‘Apoy sa Langit’

August 7, 2022
Heaven Peralejo, pinaikot ng kaniyang ‘sugar daddy’ na si Ian Veneracion

Heaven Peralejo, pinaikot ng kaniyang ‘sugar daddy’ na si Ian Veneracion

August 7, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.