• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Guanzon, nagpasaring sa ‘aktor’ na hindi iboboto: ignorante raw sa economic issues

Richard de Leon by Richard de Leon
February 6, 2022
in Balita Archive
0

Rowena Guanzon (Larawan mula sa Manila Bulletin/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang hindi pa tapos at walang makapipigil kay retired Comelec commissioner Rowena Guanzon sa pagbabahagi ng kaniyang mga diretsahang iniisip, komento, at saloobin tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid, kabilang na ang kaniyang mga kandidatong balak na iboto sa darating na halalan.

Sa panibagong tweet ni Guanzon ngayong Pebrero 6, 2022 ng umaga ay tila may pinatututsadahan ang retired commissioner na isang aktor na hindi niya iboboto dahil sa pagiging ‘ignorante’ sa mga isyung pang-ekonomiya.

“Some actor is hitting me for saying I won’t vote for him. I won’t vote for him because he is IGNORANT of economic issues. IGNORANT,” tweet ni Guanzon.

Screengrab mula sa Twitter/Rowena Guanzon

Sa isa pang tweet, sinabi ni Guanzon na mas magaling pa raw ang komedyanteng si Pokwang kaysa kay Robin, ngunit si Robin Doby ng ‘Harry Potter’ movie.

“Mas magaling pa si Pokwang kay Robin Doby (in Harry Potter),” aniya.

Pahkatapos nito, sinabi rin niya ang kandidatong susuportahan niya sa pagkasenador.

“I will vote for Carmen Zubiaga Reyes for senator. She is a PWD rights advocate with a good track record,” saad niya sa isa pang tweet.

Screengrab mula sa Twitter/Rowena Guanzon

Bagama’t walang binanggit na pangalan, marami sa mga netizen ang nagpalagay na ang maaaring pinatututsadahan ni Guanzon ay ang aktor at senatorial aspirant na si Robin Padilla. Matatandaang noong Pebrero 5, hayagang sinabi ni Guanzon sa isang tweet na hindi niya iboboto sa pagkasenador si Robin. Sinabi pa niya na sana raw ay ‘maawa’ ang mga tao sa Pilipinas.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/guanzon-hindi-iboboto-si-robin-maawa-kayo-sa-pilipinas/

Kaagad namang sumagot dito si Robin, kalakip ang ulat ng Balita Online. Saad ni Robin, hindi naman daw niya hinihingi ang boto ni Guanzon. Hinamon pa niya ang retired commissioner na buksan ang isang link na ‘ebidensya’ na naging biktima si Supremo Andres Bonifacio ng extra judicial killings o EJK.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/robin-sumagot-kay-guanzon-hindi-ko-po-hinihingi-ang-boto-nyo/

Samantala, wala pang kontra-tugon si Robin sa mga panibagong parinig ni Guanzon sa Twitter. Sa halip, muli niyang ibinahagi sa kaniyang Facebook account ang kaniyang mga plataporma sa kaniyang pagtakbo bilang senador.

“Marami po tayong layunin sa ating pagtakbo sa senado. Panahon na ng tunay pagbabago. Basahin ang ating plataporma sa: http://robinpadilla.ph #AksyonHindiDrama #RobinPadilla2022 #RobinPadillaSenator2022.

Screengrab mula sa FB/Robin Padilla
Screengrab mula sa FB/Robin Padilla

Tags: robin padillaRowena Guanzon
Previous Post

Andrea, may pa-Bible verses: ‘They delight in telling lies about me’

Next Post

Cristy, di nakatulog matapos ‘madulas’ sa isang blind item sa hunk actor na pinagdududahang beki

Next Post
Cristy, di nakatulog matapos ‘madulas’ sa isang blind item sa hunk actor na pinagdududahang beki

Cristy, di nakatulog matapos 'madulas' sa isang blind item sa hunk actor na pinagdududahang beki

Broom Broom Balita

  • ‘Basta mag-aral nang mabuti ha?’ Technician, libreng inayos ang sirang phone ng estudyante
  • Alex Gonzaga, nakipag-meet-and-greet sa fans bilang pasasalamat sa suporta
  • ‘Sey mo, Tom?’ Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo
  • Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa 100 worst dishes in the world
  • Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng katamtamang ulan dulot ng amihan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.