Bakas sa mukha ni International Olympic Committee executive board member Mikee Cojuangco-Jaworski ang saya nang sumabak ito sa 2022 Winter Olympics sa Beijing, China.
Sa mga post nito sa Instagram, isinapubliko ni Cojuangco-Jaworski ang mga litrato nito habang sumasali sa torch relay na ginanap simula Pebrero 2-4.
“It was a great honor, and it was also great fun!” bahagi ng kanyang caption.
Pinasalamatan din nito ang mga kasamahan niya sa litrato at bus mates na sina Moroccan Nawal El Moutawakel, Ryu Seung Min, at Yelena Isinbayeva.
Matatandaang nahalal si Cojuangco-Jaworski bilang IOC executive board member noong Hulyo 17, 2020.