• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Tanong ni Yeng: ‘Ano ibig sabihin ng Kamote Campers?’

Richard de Leon by Richard de Leon
February 5, 2022
in Showbiz atbp.
0
Tanong ni Yeng: ‘Ano ibig sabihin ng Kamote Campers?’

Yeng Constantino (Larawan mula sa FB/Joey Boy A. Japson)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nag-iwan ng tanong si Rock Popstar Royalty Yeng Constantino na ang makakasagot nito ay mga aktibong ‘campers’ sa camping community.

Batay sa kaniyang Facebook post noong Pebrero 2, lagi raw niyang nababasa ang salitang ‘Kamote Campers’ sa mga camping groups na sinasalihan. Balak yata ng misis ni Yan Asuncion na magsagawa ng camping.

“Sa mga nagka-camping at part ng Philippine camping community, enlighten me kasi lagi ko nakikita sa mga groups yung salitang ‘Kamote Campers’ ngayong naghahanap ako ng mga mapupuntahan for camping. Ano ibig sabihin ng Kamote Campers? Salamat!” aniya.

Screengrab mula sa FB/Yeng Constantino

Marami naman sa mga netizen ang tumugon dito.

“Kamote Campers siguro ‘yun yung mga campers na irresponsible and they don’t follow camping etiquettes.”

“Mga Kamote Campers: mga campers na walang pakialam sa environment; kalat dito, kalat doon, tapon dito, tapon doon at hindi sila magaling makipagkapwa tao sa mga campers na nasa paligid nila, grupo o sarili lang ang iniisip, kaya sinabing kamote campers.”

“Mga maiingay during sleeping hours. Nakakagulo sa mga kapit tent.”

“Mga walang pakialam sa kalikasan, nag-iiwan ng basura sa camp site. Clean as you go dapat…”

Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng ‘Kamote Campers?’

Ayon sa panayam ng Balita Online sa isang camper-teacher na si Joey Boy A. Japson o mas kilala bilang ‘Sir Japs’, tama ang mga sinabi ng netizen sa tanong ni Yeng. Ang mga Kamote Campers ay mga nagkaka-camp na hindi marunong sumunod sa mga etiketa ng pagka-camping, kahit mga common sense na lamang ito, gaya ng pagliligpit ng mga kalat o hindi masyadong pag-iingay kapag sleeping hours na.

Ngunit bakit nga ba nakahiligan niya ang camping at pag-akyat sa mga bundok?

“Hindi ko rin alam eh Mahirap na tanong ‘yan.. marami nga nagtatanong bakit daw ako lagi o madalas umaakyat ng bundok.
Madaming sagot diyan, depende sa’yo kung ano ang naibibigay sa’yo ng pagka-camping,” ani Sir Japs.

“Sa akin kasi ‘yong payapa, friendly mga tao… malayo sa toxic na tao. Bagong kaibigan na makikilala, dahil madalas solo o joiner lang ako. Tapos nakakapayapa ng isip kahit alam ko sa pagbaba ko ng bundok eh mapapalaban ulit ako sa problema o mga bagay-bagay na iniisip.”

No description available.
Larawan mula kay Joey Boy A. Japson
No description available.
Larawan mula kay Joey Boy A. Japson
No description available.
Larawan mula kay Joey Boy A. Japson
No description available.
Larawan mula kay Joey Boy A. Japson
No description available.
Larawan mula kay Joey Boy A. Japson

May mensahe at paalala naman siya sa mga kapwa campers at nagbabalak na subukin ito.

“Subukin po natin mag-campers, maging responsible camper, aralin ang mga basic course nito, mula sa hindi pagkakalat, kumuha ng mga bagay o tanim na mula sa bundok, respetuhin ang bundok at ang makakasama natin sa itaas. Kung ikaw naman joiner, makisama ka at pakinggan ang kuwento ng bawat isa kapag nasa harap kayo ng masinsinang pag-uusap na minsan pinangunguhan ng inyong guide o event coordinator.”

“Suportahan natin ang bawat bundok dito sa Pilipinas upang makatulong tayo sa mga lokal na naroon, naninirahan na bukod sa pagtatanin ay magkaroon ng ibang paghahanapbuhayin o pagkakakitaan.”

“Sa dulo,maging responsableng mamumundok salahat ng aspetong mayroon ito,” pagwawakas niya.

No description available.
Larawan mula kay Joey Boy A. Japson
No description available.
Larawan mula kay Joey Boy A. Japson
No description available.
Larawan mula kay Joey Boy A. Japson

Nauna nang maitampok si Sir Japs sa Balita Online noong Setyembre 2021 habang papalapit ang paggunita sa Pambansang Buwan ng mga Guro.

BASAHIN: http://balita.net.ph/2021/09/08/nationalteachersmonth-kilalanin-si-sir-japs-ang-nagho-home-visit-sa-kaniyang-mga-estudyante-gamit-ang-bisikleta/

Tags: kamote campersyeng constantino
Previous Post

Dynee Domagoso, may patutsada: ‘Internet nga hindi maayos, bansa pa kaya’

Next Post

Madam Inutz, humirit; gustong maka-bed scene si Piolo Pascual

Next Post
Madam Inutz, humirit; gustong maka-bed scene si Piolo Pascual

Madam Inutz, humirit; gustong maka-bed scene si Piolo Pascual

Broom Broom Balita

  • 50M Nat’l ID cards, target ipamahagi ngayong 2022 — PSA
  • Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!
  • Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
  • 1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya
  • 4.4-magnitude, yumanig sa Leyte
Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!

Linyahan ni John Arcilla sa ‘Ang Probinsyano,’ usap-usapan!

August 13, 2022
Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Julia, proud na proud kay Coco sa pagiging direk, pitong taong itinakbo ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

August 13, 2022
1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya

1.1M turista, dumagsa sa ‘Pinas kahit pandemya

August 13, 2022
4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

4.4-magnitude, yumanig sa Leyte

August 13, 2022
‘First Lady’ Shawie, tribute kay Susan, pagbulaga ni Julia; mga eksena sa finale ng FPJ’s Ang Probinsyano

‘First Lady’ Shawie, tribute kay Susan, pagbulaga ni Julia; mga eksena sa finale ng FPJ’s Ang Probinsyano

August 13, 2022
Doctolero sa ‘bad reviews’: ‘Nakakalasing ang mga papuri, nakaka-humble at natututo ka sa criticisms’

Doctolero sa ‘bad reviews’: ‘Nakakalasing ang mga papuri, nakaka-humble at natututo ka sa criticisms’

August 13, 2022
Best Supporting Actor ng ‘Katips’ na si Johnrey Rivas, pinasaringan si Suzette Doctolero?

Best Supporting Actor ng ‘Katips’ na si Johnrey Rivas, pinasaringan si Suzette Doctolero?

August 13, 2022
DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

DA official na nag-utos na umangkat ng asukal, nag-resign –Malacañang

August 12, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Senior citizen na nahaharap sa anim na bilang ng kasong rape, timbog

August 12, 2022
Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

Manay Lolit, ‘di kumbinsido sa intrigang hiwalay na sina Heart at Chiz

August 12, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.