• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ina ng Maguad siblings: ‘Na-realize ko kung gaano kahirap makakuha ng justice sa ating bansa’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
February 5, 2022
in Balita, Features, Probinsya
0
Ina ng Maguad siblings: ‘Na-realize ko kung gaano kahirap makakuha ng justice sa ating bansa’

Larawan mula sa Facebook ni Lovella Maguad

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa patuloy na pag-usad ng kaso sa pagkamatay ng Maguad siblings na sina Crizzlle Gwynn at Crizvlle Louis, tila nahihirapan umano ang mga magulang ng magkapatid na makamit ang hustisyang ninanais nila.

Napagtanto ni Lovella, ina ng magkapatid, kung gaano kahirap makakuha ng hustisya rito sa bansa. 

Sa Facebook post ni Lovella nitong Pebrero 3, ibinahagi niya ang kanyang saloobin.

screengrab mula sa post ni Lovella Maguad

“Ngayon ko pa po na realize kung ano kahirap makakuha ng justice dito sa ating bansa,” aniya.

Sinabi rin ni Lovella na mas tumitindi ang sakit na nararamdaman nila kahit na sumailalim na sila sa psychosocial therapy.

“Sa simula pa lang ng pag uusad ng kaso mahirap na at habang tumatakbo ang mga araw lalong sumisikip ang dibdib at tumitindi ang kirot at sakit na maramdaman namin. Na kahit ano man ang pilit intindihin at kahit anong meaningful ang ginawa psychosocial therapy ay hindi pa rin maibsan,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Mrs. Maguad, nakita nila ang mga menor de edad na salarin na sina “Janice” at “Carl” na wala umanong senyales ng pagsisisi. Maayos din ang pananamit ng mga suspek.

“One was properly dressed- wearing black long sleeved shirt tucked in blue jeans. Wearing sunglasses as she entered the court guarded by a DSWD worker and a policewoman in civilian attire while the other was escorted by the DSWD worker and his parents,” paglalahad niya.

“I was jealous to see them looking good, overly protected. I would like to confront them or wanted to look at them in the eye to ask them WHY? but I just tightly hold my husband’s hand and cried because we couldn’t do anything because the law is protecting them,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong Enero 2, 2022, nanawagan si Cruz Maguad, ama ng magkapatid, kay Senador Kiko Pangilinan.

“Senator pangilinan nanawagan po ako sa inyo ano pong tulong ang maibibigay nyo sa akin sa nangyaring karumaldumal na pagpatay ng menor de edad sa dalawa kong inosenteng anak…please tulungan po ninyo ako,” ani Cruz.

Naging matunog umano ang pangalan ni Pangilinan nang umusbong ang balita tungkol sa pagpatay sa magkapatid na Maguad at ang pag-amin sa krimen ng menor-de-edad na suspek.

Si Pangilinan ang nag-akda ng batas na nagtatakda ng criminal age liability na hanggang 15 taong gulang.

Basahin ang buong ulat: https://balita.net.ph/2021/12/28/ama-ng-maguad-siblings-nanawagan-kay-sen-kiko-pangilinan/

Ayon kay Lovella, ang pinakamasakit sa parte nila ay marinig ang confession kung paano pinahirapan ng mga suspek ang magkapatid na Maguad.

“Alam nyo po ba kung ano kasakit na iniimagine mo based sa kanilang confession kung paano nila pinahihirapan ang aming mga anak bago binawian ng buhay. It’s so unfair for ate Gwynn n Boyboy na wala silang kamalaymalay sa pang traidor sa kanila ng taong minahal at pinagkatiwalaan nila at ang taong ni hindi man lng nila nakita o nakilala.”

Matapos maghintay ng 53 araw para sa unang arraignment, ito ay ipinagpaliban pa ng 30 araw.

Samantala, naisipan ng mga malalapit na kaibigan nila na magsagawa ng donation drive upang makatulong sa mga gastusin ng pamilya.

Ayon sa grupo ng magkakaibigan, ginagawa nila ito upang hindi maramdaman ng mga magulang ng magkapatid na hindi sila nag-iisa sa laban na kinahaharap nila. Saad din nila na magiging mahaba, nakakapagod, at magastos ang proseso. 

Sa mga nais tumulong sa Pamilya Maguad sa pamamagitan ng binuong donation drive, maaari lamang i-click ang link na ito: https://maguadsiblings.com/about.html at pindutin ang “for donations” button o ‘di kaya’y magpadala ng mensahe kay Kenneth Cadagat sa kanyang Facebook (Kenn Cadz).

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/14/mga-malalapit-na-kaibigan-ng-maguad-siblings-humihingi-ng-tulong-para-sa-pamilya-maguad/
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/01/02/ina-ni-janice-lumuhod-sa-mga-magulang-ng-maguad-siblings/

Tags: Maguad siblings
Previous Post

Asa Miller, nangakong ilalabas ang husay sa Beijing Winter Olympics

Next Post

‘Di kinaya ng netizens! Luxury candle ni Heart, umani ng nakakaaliw na comments

Next Post
‘Di kinaya ng netizens! Luxury candle ni Heart, umani ng nakakaaliw na comments

'Di kinaya ng netizens! Luxury candle ni Heart, umani ng nakakaaliw na comments

Broom Broom Balita

  • ‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong
  • Kris, nagbigay ng update; Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19
  • PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas
  • Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’
  • Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’
‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

‘Hanggang huling termino!’ Beverly Salviejo, proud na tagasunod ni Digong

June 30, 2022
Kris, nagbigay ng update; Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

Kris, nagbigay ng update; Josh at Bimby, tinamaan ng Covid-19

June 30, 2022
PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

PBBM, pormal nang nanumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas

June 30, 2022
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Chel Diokno kay Robredo: ‘Thank you for your six years of invaluable and incorruptible service’

June 30, 2022
Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

Lolit, may iniinda na sa katawan: ‘Kahit may nararamdaman ako, I don’t listen to my body’

June 30, 2022
Baguilat, may panawagan sa bagong DENR chief: ‘I hope the first official act is to not spend on Dolomite maintenance’

Baguilat kay Robredo: ‘I’ll do my best to continue our advocacies’

June 30, 2022
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.