• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Vivian Velez, ‘wapakels’ kahit ma-bash: ‘Di ko isasalalay ang bayan ko sa mga BOBO’

Balita Online by Balita Online
February 1, 2022
in Showbiz atbp.
0
Vivian Velez, ‘wapakels’ kahit ma-bash: ‘Di ko isasalalay ang bayan ko sa mga BOBO’

Vivian Velez, VP Leni Robredo, Boy Abunda (Larawan mula sa FB/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinabi ng kontrobersyal na aktres na si Vivian Velez na wala siyang pakialam kung ma-bash o ulanin man siya ng mga patutsada o maaanghang na komento sa social media dahil sa pagbibigay niya ng mga opinyon hinggil sa mga nangyayari sa papalapit na halalan, partikular sa bakbakan ng mga kandidato sa pagkapangulo.

Kamakailan lamang ay muling nalagay sa ‘hot seat’ si Vivian dahil sa tila pasaring niya sa naging takbo ng panayam ni King of Talk Boy Abunda kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Nakasaad sa social media post ni Vivian Velez, na kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang isa sa mga naging tanong ni Boy kay VP Leni; kung narco state ba ang Pilipinas. Ang sagot dito ni VP Leni ay ‘No’. Muli siyang tinanong ni Tito Boy kung bakit, at ang sagot naman ni VP Leni ay ‘Because drug problem is huge’.

Reaksyon ni Vivian, “Namamangha si Boy Abunda! Meron pa bang pag-asa si Leni?”

May be an image of 3 people and text that says '< Vivian Velez 1d Boy Abunda: Are we a narco state? Leni: no! Boy Abunda: Why? Leni: Because drug problem is huge. Namamangha si Boy Abunda! Meron pa bang pagasa si Leni?'
VP Leni Robredo at Boy Abunda (Larawan mula sa FB/Vivian Velez

Sa isa pang Facebook post ni Vivian noong Enero 28, muli niyang ipinaliwanag ang kaniyang panig tungkol sa kaniyang naunang post.

“Uulitin ko para maintindihan ang post ko. Dami kasing pinapalusot pa ang stupidity,” aniya.

Muli niyang isinama ang naging takbo ng pag-uusap nina Tito Boy at VP Leni tungkol sa isyu ng ‘narco-state’.

“If we try to analyze Leni’s answer to Boy’s question, WHY, did she answer it? She didn’t know the meaning of ‘a narco-state’?”

Giit pa ni Vivian, dapat daw ay alam ng isang magiging lider ng bansa ang mga termino at nag-eexcel kahit sa mga simpleng tanong.

I don’t care if people bash me for my opinions. Di ko isasalalay ang bayan ko sa mga BOBO. Does Leni really have what it takes to be president? Dapat nag-eexcel ka kahit sa simpleng tanong,” ani Vivian.

Isinama pa niya ang naging paraan ng pagsagot ni VP Leni sa ‘one word description’ sa ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ na napanood sa GMA Network noong sabado, Enero 22.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-3.png
Screengrab mula sa FB/Vivian Velez
This image has an empty alt attribute; its file name is image-4.png
Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

Isa sa mga celebrity na nag-react dito ay ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, na kilalang tagasuporta ni VP Leni. Tinawag niyang ‘fake news’ umano si Vivian.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/01/ogie-diaz-sinabihang-fake-news-si-vivian-velez-may-payo-kay-vp-leni/

Si Vivian ay kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tags: Vivian Velez
Previous Post

‘Stealth Omicron’ mas nakahahawa kumpara sa original strain — Danish study

Next Post

Muntinlupa, nakapagtala ng higit 11,000 bagong kaso ng COVID-19 noong Enero

Next Post
Muntinlupa, nakapagtala ng higit 11,000 bagong kaso ng COVID-19 noong Enero

Muntinlupa, nakapagtala ng higit 11,000 bagong kaso ng COVID-19 noong Enero

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.