• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Tom, naka-follow na ulit kay Carla; nag-away ba talaga o nagpa-miss lang sa isa’t isa?

Richard de Leon by Richard de Leon
January 29, 2022
in Showbiz atbp.
0
Tom, naka-follow na ulit kay Carla; nag-away ba talaga o nagpa-miss lang sa isa’t isa?

Carla Abellana at Tom Rodriguez (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos mapabalitang inunfollow ni Kapuso actor Tom Rodriguez sa Instagram ang kaniyang misis na si Kapuso actress Carla Abellana, balitang naka-follow na ulit ang dalawa.

Noong Enero 25, kapansin-pansin kasi na wala na si Carla sa following list ng Instagram account ni Tom. Taliwas naman sa mga naunang ulat, naka-follow pa rin ang aktres sa account ng aktor.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/25/tom-in-unfollow-si-carla-sa-instagram-kapuso-couple-hiwalay-na-nga-ba/

Sa naging trend ng kalakaran sa showbiz, kapag nag-unfollowan na ang magjowa sa social media, ibig sabihin ay on the rocks na o hiwalay na nga, kagaya ng nangyari sa mga na-‘Lotlot’ ang relasyon na napabalita noong 2021, na nakakaloka naman talaga ang listahan ng hiwalayan, ha!

Nito lang Disyembre 2021, may pa-vlog pa si Carla kung saan ibinahagi niya ang kanilang unang date bilang mag-asawa isang buwan matapos ang kanilang kasal noong Oktubre.

Sa naturang vlog, ipinaliwanag ni Carla kung bakit hindi pa niya magamit ang apelyido ng asawang si Tom sa totoong buhay, na ‘Mott’.

Anyway, sa balita nga ng pag-unfollow umano ni Tom kay Carla ay umingay naman ang chikang nagkakalabuan na sila, at lumabas pa ito sa mga blind item.

Bagama’t hindi pa nagsasalita tungkol sa isyu, lumutang kaagad sa mga blind item na ang dahilan umano ng hiwalayan ay ang pagiging malapit daw ni Tom sa isang Kapuso talent na nakasama niya sa isang teleserye. May isyu pa na nabuntis umano ito ni Tom ilang buwan bago ang kanilang kasal ni Carla. Teleserye lang?

Maging ang ‘Pambasang Lalaking Marites’ na si Xian Gaza ay nakisawsaw na rin sa intriga.

“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands. May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po yung mental health ko. How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal? Totoo po ba ang tsismis na itey? Or fake news lamang ito? Nyealamat po,” aniya sa isang direct message sa Kapuso star.

At lumutang na nga ang pangalan ni Kelley Day, ang Miss Eco International 2020 first runner up, na agad namang naglabas ng pahayag sa kaniyang Instagram post.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/27/kelley-day-itinanggi-ang-pagkakadawit-sa-tom-carla-breakup-rumor/

Iginiit ni Kelley na hindi siya buntis, gaya ng mga kumakalat na chismis na nabuntis umano siya ni Tom, ilang buwan bago ang kasal nila ni Carla. Nagpunta raw siya sa UK upang dumalo sa burol ng isang yumaong kaanak at samantalahin na rin ang pagkakataon upang makasama ang mga UK-based family members.

Dumagdag pa rito ang ‘cryptic post’ ni Tom sa kaniyang IG kung saan ibinahagi niya ang isang two-minute video na nagpapakita ng black screen na may nakasulat na salitang ‘.float’ na nasusulat sa puting font color, at may audio na galing naman sa ‘Cowboy Bebop’, isang Japanese anime series.

“And now you’re leaving just like that? Why do you have to go? Where are you going? What are you going to do? Just throw your life away like it was nothing?” maririnig sa audio clip.

Screengrab mula sa IG/Tom Rodriguez

Kapansin-pansin din na sarado ang comment section nito.

Napag-usapan naman ito nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang showbiz vlog na ‘Ogie Diaz Showbiz Update’.

“Idinaan din niya sa blind item no? Hindi niya tinukoy kung sino yung couple na pinangalanan niya,” wika ni Mama Loi.

“Oo, oo. Para magsalita nang ganyan yung bata eh baka naman talagang hindi totoo,” sey naman ni Ogie. “Baka naman close lang talaga sila ni Tom.”

“Alam mo sa totoo lang, sa industriyang ito (showbiz) na pagkatagal-tagal ko na, talagang ang mga tukso, sa lalaki man o babae na artista, dapat ngang mas magkatuluyan kasi para mas maintindihan ninyo ang trabaho ninyo.”

Ayon pa kay Ogie, ang posible raw na maging dahilan ng hiwalayan ng isang showbiz couple ay ang mga taong nakapaligid sa kanila, lalo na at artista rin.

“Lalo na ngayon sa panahon ng lock-in taping, sa panahon ng quarantine, solo-solo yung mga artista, lalo na’t may pangalan, solo-solo sila sa kuwarto. Tapos kapag nababagot na sila dahil one week ang quarantine, hayan na… ‘Sa’n ka’, hayan, mga ganyan… tara inom tayo rito… tapos doon naman may mga nagaganap,” chika pa ni Ogie.

“Anyway, nag-followan na ngayon sa kani-kanilang IG sina Carla at si Tom, baka ito na ang umpisa ng kanilang pag-uusap. Baka kasi nagpapahinga lang yung dalawa!”

Hangad ni Ogie na sana raw ay tuloy-tuloy na ang pagkakaayos ng dalawa.

As of Wednesday noon, Carla Abellana is following Tom Rodriguez
Screengrab mula sa IG/Carla Abellana
Tom Rodriguez is also back following Carla Abellana as of Wednesday noon on Instagram
Screengrab mula sa IG/Tom Rodriguez

Samantala, wala pang pahayag o tugon ang mag-asawa sa isyung kinasangkutan nila, kaya ang tanong ng mga netizen, talaga bang nag-away sila o dumaan sa pagsubok ang kanilang relasyon?

May mga lumabas din kasing chika na kaya rin daw inunfollow ni Tom si Carla ay para hindi niya ito ma-miss habang nasa lock-in taping. Kakakasal nga naman kasi nilang dalawa, at kung tutuusin ay nasa honeymoon stage pa sila, tapos malalayo sila sa isa’t isa dahil abala sila sa kani-kanilang mga proyekto sa Kapuso Network.

Tags: carla abellanaTom Rodriguez
Previous Post

Ogie Diaz, na-bash dahil sa ibinahaging hugot sa ‘jowa’: ‘Pati nananahimik kong ilong, inokray nila’

Next Post

Talamak na ‘academic commission services’, dapat bang ikabahala ng mga guro, DepEd?

Next Post
Talamak na ‘academic commission services’, dapat bang ikabahala ng mga guro, DepEd?

Talamak na 'academic commission services', dapat bang ikabahala ng mga guro, DepEd?

Broom Broom Balita

  • P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga
  • Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista
  • Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino
  • Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022
  • Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”
P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

May 17, 2022
Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

May 17, 2022
Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

May 17, 2022
Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

May 17, 2022
Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

May 17, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: 7 NCR LGUs, walang naitalang bagong COVID-19 cases

May 17, 2022
Robredo, kakampi ng mga taga-Boracay sa pagtutol sa BIDA bill

Tanggapan ni VP Robredo, pinabulaanan ang ‘malisyusong’ paratang ng piloto

May 17, 2022
Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

May 17, 2022
Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

May 17, 2022
Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.