• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Ryan Bang, ‘busted’ kay Yeng Constantino?

Angelo A. Sanchez by Angelo A. Sanchez
January 29, 2022
in Celebrities, Entertainment, Showbiz atbp.
0
Ryan Bang, ‘busted’ kay Yeng Constantino?

Larawan: Tawag ng Tanghalan/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isiniwalat ni Ryan Bang sa ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime” na niligawan nito noon ang singer at Tawag ng Tanghalan (TNT) hurado Yeng Constantino.

Pagbabahagi ni Ryan, madalas itong nagpapadala ng kape at inaayang magsimba si Yeng tuwing Linggo.

Ayon pa kay Ryan, hindi siya nagsisimba noong bago niya makilala si Yeng ngunit dahil sa singer, nagsimula na itong magsimba.

“Akala ko ayaw mo sakin. Kasi noong panahon na ‘yon, gumigimik kami sila James Reid. Syempre minsan lumalabas ako tuwing gabi. Inaya ko siya ilang beses eh tapos sabi mo… Kasi inaaya ko siya tuwing gabi hindi siya lumalabas. Kaya akala ko ayaw niya sa’kin,” pagku-kwento ni Ryan Bang.

Nag-komento naman si Vice Ganda sa biglaang paghinto ni Ryan Bang sa panliligaw nito nang hindi nagpapaalam.

Ani Vice, “Huwag papasok sa mundo ng kahit sino na akala niyo walang nangyayari sa kanila, akala niyo walang epekto sa kanila. Kahit sino mang pumasok sa mundo natin, may epekto yun.”

Payo ni Vice, kung hihinto man ng panliligaw, siguraduhing magpaalam sa taong nililigawan.

Humingi naman ng pasensya si Ryan Bang at nilinaw na genuine ang panliligaw nito noon.

Aniya, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako sayo. Nagtanong ako sayo. Pero ‘yung… syempre ‘yung nanligaw ako sayo, galing naman talaga sa puso ko ‘yun. Ikaw yung pinaka-unang crush ko sa buong buhay ko! Ikaw yun!”

Inakala naman ni Ryan na ayaw ni Yeng sa kanya dahil hindi ito sumasama sa kanya ngunit sumasama si Yeng sa ibang artista tulad nina Richard Poon, na kalaunan ay napag-alaman niyang “worship” ang ginagawa nila.

Hindi naman itinanggi ni Yeng na kinikilig siya noong panahong pinopormahan siya ni Ryan Bang.

Ngayon na may asawa na si Yeng, sinabi nito na swerte ang magiging girlfriend ni Ryan Bang dahil malambing ito.

Tags: Ryan Bangyeng constantino
Previous Post

Mula sa pagsipa ng COVID-19 cases, mataas na recoveries naitala ng Baguio City

Next Post

OCTA Research: COVID-19 reproduction number sa NCR, bumaba pa sa 0.50

Next Post
OCTA Research: COVID-19 reproduction number sa NCR,  bumaba pa sa 0.50

OCTA Research: COVID-19 reproduction number sa NCR, bumaba pa sa 0.50

Broom Broom Balita

  • P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga
  • Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista
  • Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino
  • Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022
  • Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”
P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

May 17, 2022
Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

May 17, 2022
Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

May 17, 2022
Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

May 17, 2022
Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

May 17, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: 7 NCR LGUs, walang naitalang bagong COVID-19 cases

May 17, 2022
Robredo, kakampi ng mga taga-Boracay sa pagtutol sa BIDA bill

Tanggapan ni VP Robredo, pinabulaanan ang ‘malisyusong’ paratang ng piloto

May 17, 2022
Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

May 17, 2022
Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

May 17, 2022
Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.