• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kris Aquino, dinalaw at tinulungan nga ba ni BBM?

Richard de Leon by Richard de Leon
January 29, 2022
in Showbiz atbp.
0

Kris Aquino at Bongbong Marcos (Larawan mula sa IG/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kumakalat ngayon ang mga bali-balitang dumalaw at nag-alok ng tulong umano si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. o BBM sa may sakit na si Queen of All Media Kris Aquino, matapos itong ibalita sa isang YouTube video na may pamagat na ‘Celebrity PH’.

Ayon sa naturang video, personal umanong nagpasalamat si Kris kay BBM dahil sa pagdalaw at pagtulong nito sa kaniya, bagay na pinabulaanan naman ng kaibigang abogado ni Kris na si Atty. Gideon V. Peña.

“Natuwa naman umano si Kris sa ginawa ni Bongbong dahil sa kabila nga daw ng pinagdadaanan niya ngayon ay isa umano si BBM sa mga naging concerned at naglakas-loob na siya ay bisitahin at gawin ang maitutulong nito sa kanya,” saad ng narrator sa naturang video.

Inalok pa raw ni BBM si Kris na komunsulta sa mahuhusay nitong mga doktor.

“Hindi umano alam ni Kris kung paano magpapasalamat kay Bongbong Marcos dahil malaking tulong umano ang nagawa nito upang gumaan ang kanyang pakiramdam,” saad pa.

“Did. Not. Happen.” tweet ni Atty. Peña nitong Enero 28, 2022.

Screengrab mula sa Twitter/Atty. Gideon V. Peña

Naalarma naman ang mga netizen dahil maraming followers at views ang naturang YouTube channel. Hinikayat nila ang mga netizen na i-report ang naturang YT channel dahil nagpapakalat umano ito ng fake news at misinformation.

Isa sa mga video report na makikita rito ay close umano si BBM sa anak na bunso ni Kris na si Bimby.

“Dapat yang mga YouTube Channels na peddler of fake news should be blocked and deactivated.”

“This is too much. The trolls claimed that she [Kris Aquino] died on January 23 after her health deteriorated into a critical condition and then used her for clout to make Marcos Jr. a hero.”

“Sobra naman ‘yan haha. Siguro sana wala na lang trolls sa mundo ganun or kaya sana wala nalang internet ang mga mapang-abuso.”

“May isa pa po which I reported. Nasa ICU raw si Ms. Kris at dinalaw Ng matandang inutil. YT is a cesspool. Grabe.”

Image
Screengrab mula sa YT/Celebrity PH

Samantala, ang huling IG post ni Kris ay noong Enero 25 kung saan binati niya ang yumaong inang si dating Pangulong Cory Aquino ng Happy Birthday.

Sa naturang IG post, tiniyak niya sa mga basher at hater na patuloy siyang nagpapalakas at lumalaban para sa kaniyang dalawang anak na sina Kuya Joshua at Bimby. Sorry na lamang daw sa mga nagdarasal at nagpapakalat ng fake news na tegi na siya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/26/kris-aquino-happy-birthday-mom-your-children-are-100-united-exactly-what-you-had-always-prayed-for

“Happy Birthday mom, your children are 100% united- exactly what you had always prayed for,” bahagi ng kaniyang IG post.

Pinasalamatan din niya ang mga kapatid na nakaalalay sa kaniya, gayundin ang mga tunay na kaibigan na patuloy na nangungumusta sa kaniya. Ngunit wala naman siyang nabanggit na may presidential candidate na dumalaw sa kaniya sa ospital.

Tags: Atty. Gideon V. PeñaBBMkris aquino
Previous Post

Guanzon, hinahamon ng suntukan si Briones

Next Post

Vaccine registration para sa edad 5-11, sinimulan na sa Las Piñas

Next Post
5-10M doses ng Pfizer vaccine para sa 5-11 age group, darating next week

Vaccine registration para sa edad 5-11, sinimulan na sa Las Piñas

Broom Broom Balita

  • Military assets, panatilihing ‘ready to go’ — Marcos
  • 3 lider ng NPA, napaslang sa magkakahiwalay na sagupaan sa Agusan
  • Babae, nasagip sa pagkakahulog sa isang gusali sa Binondo
  • Ultra, Mega Lotto jackpot, mailap pa rin — PCSO
  • Imee Marcos, binatikos ang ICC sa ‘di pagpansin sa crimes vs humanity ng Western nations
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.