• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Ferolino, sumagot kay Guanzon: ‘Iniimpluwensiyahan niya ako sa DQ cases vs Marcos’

Balita Online by Balita Online
January 29, 2022
in National
0
Inting, acting Comelec chairman muna simula Pebrero 3
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iniimpluwensiyahan umano ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon si Commissioner Aimee Ferolino sa disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.

Sa sulat ni Ferolino kay Comelec chairperson Sheriff Abas, sinagot nito ang alegasyon ni Guanzon na bilang ponente sa kaso ni Marcos ay inaantala umano nito ang pagpapalabas ng desisyon sa kaso.

Naging lantad din aniya siya sa panggigipit mula sa iba’t ibang personalidad at organisasyon mula nang ihayag ni Guanzon na siya ang inatasang gumawa ng draft ng resolusyon sa kaso.

Todo-tanggi rin si Ferolino na mayroong silang internal timeline kung saan dapat magpasya ang kanilang dibisyon kaugnay ng kaso ni Marcos.

“In all honesty Chair, it was not only the date of the promulgation that she imposed upon me. She also consistently took liberties in telling me to adopt her opinion. It is quite appalling that Commissioner Guanzon was able to draft an opinion when the ponencia has not yet submitted the resolution and all the case records are in my possession,” ayon sa liham ni Ferolino kay Abas.

Sinabi rin niya na pinipilit siya ni Guanzon upang mailabas na ang resolusyon sa kaso ni Marcos.

“Ilalabas na po ba ninyo Commissioner Ferolino ang inyong resolusyon, ang ponencia bago ako mag-retire? Kasi ‘yun lang naman ang pinagdidiskusyunan natin dito eh. Kung nilabas mo na ‘yan eh ‘di wala na sana tayong pinag-uusapan dito,” sabi umano ni Guanzon kay Ferolino.

Sa panig naman ni Guanzon, binanggit nito na nagkaroon pa ng panahong sulatan ni Ferolino ang chairman (Abas), pero hindi sa paggawa ng desisyon sa kaso.

Ibinunyag naman ni Ferolino naglabas din ng memorandum si Guanzon ay isinasama ang kanyang hiwalay na opinyon sa resolusyong hindi pa inilalabas.

“The Presiding Commissioner of the First Division is putting the cart before the horse to justify her demands. In doing so, one things is clear to me, she is trying to influence my decision and trying hard to persuade me to her direction,” giit ni Ferolino.

Nitong Biyernes, hiniling ni Guanzon kay Ferolino na magsumite ng written explanation dahil sa pagkakaantala ng pagpapalabas sana ng desisyon sa kaso sa Enero 31.

Iginiit ni Guanzon, sinabihan na siya na hindi kayang magsumite ni Ferolino ng ponencia noong Enero 17 matapos mahawaan ng COVID-19 ang abogadong nakatalagang hihimay sa kaso.

Dahil aniya sa nakarekober na ang abogado at hindi na naka-isolate si Ferolino ay nakipag-ugnayan na ito sa huli.

“Further, on 24 January 2022, I sent you several text messages asking you to finish your ponencia as agreed upon, or waive the drafting of the decision in favor of Commissioner Marlon S. Casquejo. You refused to avail the latter option,” sabi ni Guanzon sa memorandum na ipinadala nito kay Ferolino.

“I have no other conclusion than that you are deliberately delaying the release of your ponencia until after I retire in order to defeat my vote. This way, my separate opinion will not be attached to the majority resolution and will not form part of the records,” dagdag pa nito.

Itinanggi naman ni Ferolino na nagkaroon ng sobrang pagkaantala sa pagpapalabas ng desisyon sa kaso, ayon na rin sa liham nito kay Abas.

Previous Post

MRT-3 employees, tinurukan na ng booster vs COVID-19

Next Post

Ogie Diaz, na-bash dahil sa ibinahaging hugot sa ‘jowa’: ‘Pati nananahimik kong ilong, inokray nila’

Next Post
Ogie Diaz, na-bash dahil sa ibinahaging hugot sa ‘jowa’: ‘Pati nananahimik kong ilong, inokray nila’

Ogie Diaz, na-bash dahil sa ibinahaging hugot sa 'jowa': 'Pati nananahimik kong ilong, inokray nila'

Broom Broom Balita

  • NFA rice, ibabalik sa merkado — DA
  • 1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec
  • Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?
  • Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students
  • UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
PhilHealth, nakapagrehistro ng P32.84-B net income noong 2021

UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders

May 16, 2022
DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

May 16, 2022
Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

May 16, 2022
Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

May 16, 2022
Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

May 16, 2022
Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.