• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

Bagong quarantine protocols para sa int’l travelers, kinuwestiyon ng ex-NTF adviser

Balita Online by Balita Online
January 29, 2022
in National
0
Bagong quarantine protocols para sa int’l travelers, kinuwestiyon ng ex-NTF adviser
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinuwestiyon ni dating National Task Force (NTF) against COVID-19 medical adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon ang naging pasya ng gobyerno na hindi na isasailalim sa facility-based quarantine ang mga bakunadong international travelers at returning overseas Filipinos (ROFs) simula Pebrero 1.

Sa isang television interview, iginiit nito na hindi pa ito ang tamang panahon upang luwagan ang COVID-19 protocol sa bansa.

Sa desisyon ng pamahalaan, inaatasan ang mga nasabing dayuhang biyahero at ROFs na mag-self-monitor na lamang sa posibleng pagkaroon ng sintomas ng sakit.

“Pwede ba yun? Ganun ba kabilis tayo mag-decide na hindi muna [tayo nag-consult] sa mga medical communities para at least man lang makakuha ka ng mas maraming opinyon,” pagtatanong ni Leachon

“Kung ako ang tatanungin mo, for a major policy, siguro mga mid-February – dalawang linggo [bago] isagawa para sa ganun ay mai-anunsyo mo naman sa mga tao at tiyak [maisaayos ang] mga loose ends na hindi klaro,” dugtong nito.

Hindi aniya ligtas na luwagan ang protocols sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng sakit.

“Pinoprotektahan din natin ‘yung mga dadating and removing some of the medical safeguards may actually cause a surge eventually,” babala nito. 

Nitong Enero 28, inanunsyo ng Malacañang ang nasabing hakbang 

Beginning Feb. 1, fully vaccinated inbound travelers will no longer be required to undergo a mandatory facility-based quarantine, Malacañang said on Friday, Jan 28.

Sa nasabing desisyon ng pamahalaan, kinakailangan lamang iharap ng mga biyahero ang kanilang negatibong reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test result na kinunan 48 oras bago ang kanilang pag-alis sa bansang pinanggalingan upang mapayagan ang mga ito mag-self-monitor para sa anumang sintomas ng COVID-19.

Charie Mae Abarca

Previous Post

Ryan, inspirasyon nga ba ni Yeng sa kantang ‘Chinito’, ‘B.A.B.A.Y’?

Next Post

Pablo ng SB19, nagpakitang-gilas sa solo debut single na ‘La Luna’

Next Post
Pablo ng SB19, nagpakitang-gilas sa solo debut single na ‘La Luna’

Pablo ng SB19, nagpakitang-gilas sa solo debut single na 'La Luna'

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.