• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mayor Isko: Manila LGU, nakakuha na ng CSP para bumili ng Bexovid

Balita Online by Balita Online
January 25, 2022
in Balita, National / Metro
0
Mayor Isko: Manila LGU, nakakuha na ng CSP para bumili ng Bexovid

Photo: Ali Vicoy/FILE PHOTO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inanunsyo ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno na matagumpay na nakakuha ang city government ng compassionate special permit (CSP) para bumili ng Bexovid, na isang life-saving medicine laban sa COVID-19.   

                                    
Kaugnay nito, pinasalamatan rin ni Moreno ang Food and Drug Administration (FDA) para sa nasabing permit na nagbigay-daan sa plano ng lungsod na bumili ng naturang gamot laban sa virus.

Ayon kay Moreno, ito ang bagong karagdagan sa listahan ng mga anti-COVID medicines na kanilang pinagkasunduan ni Vice Mayor Honey Lacuna na bilhin upang ipamigay ng libre sa mga COVID-19 patients.             
                                           
Matatandaang sa kasalukuyan ay namimigay ang city government ng Maynila ng libreng Tocilizumab, Remdesivir, Molnupiravir at Baricitinib. Ang mga naturang anti-COVID-19 drugs ay mahal at mahirap hanapin.                                                                                                      
Tulad ng Mulnopiravir, sinabi Moreno na ang Bexovid ay ginagamit din sa mild o moderate COVID-19 treatment habang ang Tocilizumab, Remdesivir at Baricitinib ay para sa severe at critical patients.                                                                                       

“Me awa ang Diyos.  Kung ano ang meron sa matatayog na bansa -Estados Unidos, Europa, Singapore, Japan-  na mga gamot na tangan-tangan nila, pipilitin natin na makakuha din nun at maialay sa mga taong may kailangan,” anang alkalde.

Tiniyak naman ng alkalde na hindi lamang ang mga residente ng lungsod ang maaaring maka-avail ng mga naturang life-saving medicines, kundi maging mga non-residents dahil wala aniyang kinikilalang hangganan ang COVID.

“Gusto ko mabigyan ng oportunidad lahat. Anybody can avail.  Wag kayo mahihiya. Mahirap maka-access ng mga gamot na ‘yan. Maski nga may pera, mahirap maka-access,” sabi pa ni Moreno.

Umapela rin ang alkalde sa mga doktor na nag-aasikaso ng mga  COVID patients na ibahagi ang impormasyon na ang mga nasabing gamot ay libreng makukuha sa lungsod ng Maynila at ito ay sa pamamagitan ng pag-contact sa Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Poks Pangan sa mga sumusunod na numero : 09150656335;  09954966176; 09610627013; 09616281414; 09608229384; 09777297572 at landlines  89262385; 89262380 at 89262383.

“Me pera ka o wala, mahirap makakuha o maka-access ng mga ito.  Ang gusto namin, mabuhay ang inyong mga kaanak.  Masaya kaming makapaglingkod, mabuhay lang kayo,” dagdag pa ng alkalde. 

Mary Ann Santiago 

Tags: BexovidCOVID-19Manila CityManila Mayor Isko Moreno
Previous Post

Bumababa? DOH, nakapagtala na lamang ng 17,677 bagong COVID-19 cases

Next Post

Lacson, pabor sa localized peace talks bilang tugon sa insurgency

Next Post
Lacson sa gov’t: ‘Napakalinaw na walang consistency’

Lacson, pabor sa localized peace talks bilang tugon sa insurgency

Broom Broom Balita

  • Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan
  • Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!
  • Nawalan ng akses sa voting places ang mga botante noong nakaraang halalan? Comelec, dumepensa
  • Duterte sa kanyang magtatapos na termino: ‘Kung kulang pa ‘yun, pasensya na po’
  • Labor group, muling nanawagan para sa P750 minimum wage sa bansa
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

May 23, 2022
Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!

Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!

May 23, 2022
Nawalan ng akses sa voting places ang mga botante noong nakaraang halalan? Comelec, dumepensa

Nawalan ng akses sa voting places ang mga botante noong nakaraang halalan? Comelec, dumepensa

May 23, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Duterte sa kanyang magtatapos na termino: ‘Kung kulang pa ‘yun, pasensya na po’

May 23, 2022
Labor group, muling nanawagan para sa P750 minimum wage sa bansa

Labor group, muling nanawagan para sa P750 minimum wage sa bansa

May 23, 2022
Lovi Poe, na-conscious kay Papa P sa isang announcement spiel

Lovi Poe, na-conscious kay Papa P sa isang announcement spiel

May 23, 2022
Tagumpay ng ‘Sour’ album ni Olivia Rodrigo, inalala ng Fil-Am singer-songwriter

Tagumpay ng ‘Sour’ album ni Olivia Rodrigo, inalala ng Fil-Am singer-songwriter

May 23, 2022
‘Be happy’: Turo ni Xian Gaza sa dapat na pangarap ng anak paglaki nito, ikinaantig ng netizens

‘Be happy’: Turo ni Xian Gaza sa dapat na pangarap ng anak paglaki nito, ikinaantig ng netizens

May 23, 2022
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Dagdag at bawas presyo sa produktong petrolyo, asahan!

May 23, 2022
MTPB, tinanggal na ang basketball court sa kalye; Mga residente ng Barangay 329, natuwa

MTPB, tinanggal na ang basketball court sa kalye; Mga residente ng Barangay 329, natuwa

May 23, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.