• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Mark Villar, nais ipagpatuloy ang hangarin ng ‘Build, Build, Build’

Balita Online by Balita Online
January 25, 2022
in National / Metro
0
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nangako si Senatorial aspirant Mark Villar na ipagpapatuloy niya ang programang “Build, Build, Build” (BBB) ​​na sinimulan ng administrasyong Duterte habang binanggit niya ang malaking tagumpay na nakamit nito sa paglikha ng hindi bababa sa 6.5 milyong trabaho para sa mga Pilipino.

Sa isang guest appearance sa online show na “Sara All For You”, binanggit din ni Villar na ang BBB program ay nakapagtayo ng mahigit 30,000 kilometro ng mga kalsada mula nang ilunsad ito noong 2017.

Si Villar, isa sa mga senatorial bet na inendorso ni program host Mayor Sara Duterte, ang namahala sa matagumpay na pagpapatupad ng BBB bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways.

Senatorial Candidate Mark Villar

Ang BBB na sentrong programa ng administrasyong Pangulong Rodrigo R. Duterte na naglalayong ihatid ang “Golden age of infrastructure” sa Pilipinas ay “nararapat na magpatuloy na nakatuon sa mas malalaking proyektong imprastraktura sa buong bansa.”

“Gusto ko pong i-promote at i-push ang “Build, Build, Build” program na sinimulan ni President Rodrigo Duterte dahil nakita ko po ‘yung benepisyo para sa ating lahat, hindi lang po sa roads,” dagdag ni Villar.

Ang dating kongresista ng Las Piñas ay hinirang na DPWH secretary noong 2016. Pinangunahan niya ang pagtatayo at rehabilitasyon ng mga pangunahing highway, farm-to-market roads, tulay, bypasses o diversion roads, bukod sa iba pa na nagbibigay-daan sa economic zones at mga lugar na idineklarang destinasyon ng turismo.

Kabilang sa 100 flagship projects ng DPWH bilang subset ng BBB program ay ang Luzon Spine Express Network, South Luzon Express Way Toll Way 4, Metro Manila Skyway Stage 3, Metro Cebu Expressway, NLEX Harbour Link Segment 10, ang Cavite Laguna Expressway, Tarlac Pangasinan La Union Expressway, ang Laguna Lake Highway, ang Candon City Bypass Road sa Ilocos Sur, Pulilan-Baliuag Diversion Road sa Bulacan, Calapan-Roxas Road sa Oriental Mindoro, ang Mandaue Causeway Road sa Cebu, Dipolog-Oriquieta Road sa Misamis Occidental , Dumaguete North Road sa Negros Oriental, at ang Taytay-El Nido Road sa Palawan, at Davao Coastal Road sa Davao City.

Idinagdag niya na dadalhin niya ang programang “Build, Build, Build” sa legislative branch dahil sa patuloy na pagpapalawak ng imprastraktura, nagreresulta ito sa malawakang paglikha ng trabaho sa buong bansa na may direktang epekto sa mga Pilipino.

“Importante po na i-push natin sa legislative branch ang ‘Build, Build, Build’ program kasi ito rin po ang aangat sa ekonomiya natin. Ito rin ang makapagbibigay ng trabaho na kailangan natin ngayon dahil sa pandemya na malakas ang tama sa ating mga kababayan,” sabi ng Uniteam senatorial candidate.

Binubuo ang BBB program ng libu-libong proyekto na naglalayong mapabuti ang koneksyon, mapadali ang paglago sa bawat lalawigan sa buong bansa at pabilisin ang paggasta ng pampublikong imprastraktura mula sa average na 2.9 porsiyento ng gross domestic product.


Ben Rosario

Tags: Build Build BuildMark Villar
Previous Post

Mura, wala raw utang na loob, sey ng vlogger na tumulong sa kaniya

Next Post

Tom, in-unfollow si Carla sa Instagram; Kapuso couple, hiwalay na nga ba?

Next Post
Tom, in-unfollow si Carla sa Instagram; Kapuso couple, hiwalay na nga ba?

Tom, in-unfollow si Carla sa Instagram; Kapuso couple, hiwalay na nga ba?

Broom Broom Balita

  • P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga
  • Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista
  • Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino
  • Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022
  • Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”
P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

May 17, 2022
Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

May 17, 2022
Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

May 17, 2022
Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

May 17, 2022
Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

May 17, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: 7 NCR LGUs, walang naitalang bagong COVID-19 cases

May 17, 2022
Robredo, kakampi ng mga taga-Boracay sa pagtutol sa BIDA bill

Tanggapan ni VP Robredo, pinabulaanan ang ‘malisyusong’ paratang ng piloto

May 17, 2022
Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

May 17, 2022
Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

May 17, 2022
Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.