• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Malou Crisologo, bagong ‘Queen of Primetime Bida’ daw; bakit kaya?

Richard de Leon by Richard de Leon
January 25, 2022
in Showbiz atbp.
0
Malou Crisologo, bagong ‘Queen of Primetime Bida’ daw; bakit kaya?

Malou Crisologo at Susan Roces (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nitong Enero 24, 2022 ay nagsimula na ang Global Premiere ng ‘The Broken Marriage Vow,’ ang Pinoy adaptation ng British series na ‘Doctor Foster’, na nagkaroon din ng Korean adaptation na ‘The World of the Married’ na siyang sumikat sa Pilipinas.

Bukod sa kakaibang cinematography at world-class na pag-arte ng cast members, napansin din ng mga netizen na kasama rin dito ang character actress na si ‘Malou Crisologo,’ ang gaganap na si ‘Yaya Maggie,’ ang yaya ni Nathalia Lucero na ginagampanan naman ni Rachel Alejandro.

Malou Crisologo (Screengrab mula sa IG)

Ang karakter niya ay ina ni Lexy Lucero na ginagampanan naman ni Sue Ramirez, na siyang kabit sa relasyon nina Dra. Jill Ilustre (Jodi Sta. Maria) at David Ilustre (Zanjoe Marudo).

Bahagi rin si Malou ng longest-running teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ bilang si Yolly, ang kasa-kasama ni Lola Flora (Susan Roces) na lola naman ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Malou Crisologo at Susan Roces (Screengrab mula sa IG)

Sa teleseryeng ‘La Vida Lena’ naman, siya si Dra. Martina Ramirez na kakampi nina Lena (Erich Gonzales) at Ramona (Janice De Belen) para sa kanilang paghihiganti sa pamilya Narciso.

Malou Crisologo (Screengrab mula sa IG)

Kaya naman sa apat na lineup ng teleserye ngayon ng Kapamilya Network, tatlo roon ang kinabibilangan niya.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

“Nakakaloka si Malou Crisologo. Ang tunay na Primetime Queen. 3/4 Primetime Bida seryes, present!”

“Sino ang tunay na reyna ng Primetime Bida? Si MALOU CRISOLOGO!”

“LizQuen, KathNiel, and SethDrea have nothing on her. Ang totoong mukha ng Primetime Bida ngayong 2022—Miss Malou Crisologo. Sana may crossover mga characters niya sa Dreamscape Teleserye Universe.”

“Ang tunay na Queen at A-listers ng mga teleserye ngayon—Ms. Malou Crisologo!”

Ngunit sino nga ba si Malou Crisologo?

Bukod sa pagiging character actress sa mga teleserye, siya rin ay nagsilbing line producer at associate producer sa pelikula at telebisyon, at acting workshop facilitator.

Natapos niya ang kursong AB Communication Arts sa University of Santo Tomas. Naging bahagi siya ng Teatro Tomasino, Artistang Artlets, at Pax Romana.

Tags: crossoverMalou Crisologo
Previous Post

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11, kasado na – Galvez

Next Post

Omicron subvariant BA.2, nakapasok na sa PH – DOH

Next Post
Growth rate ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba ng 3%

Omicron subvariant BA.2, nakapasok na sa PH – DOH

Broom Broom Balita

  • Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan
  • Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”
  • Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay
  • Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit
  • “I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan

May 24, 2022
Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

May 24, 2022
Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

May 24, 2022
Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

May 24, 2022
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

Sinong binabakbakan ni Skusta Clee sa ‘Not my baby’ at ‘Mababang uri ng tao. Gets n’yo na ‘yon’ posts?

May 24, 2022
Mag-jowa sa Cebu City, nag-prenup photoshoot sa sementeryo

Mag-jowa sa Cebu City, nag-prenup photoshoot sa sementeryo

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.