• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

2 self-administered COVID-19 antigen test kits, inaprubahan ng FDA

Balita Online by Balita Online
January 25, 2022
in Balita, National / Metro
0
2 self-administered COVID-19 antigen test kits, inaprubahan ng FDA

(Photo from Unsplash)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Officer-In-Charge (OIC) Oscar Gutierrez na may dalawang self-administered COVID-19 antigen test kits na silang inaprubahan.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Gutierrez na ang naturang mga antigen self-test kits ay gawa ng Abbott at Labnovation Technologies, Inc..

Ayon kay Gutierrez, ang Panbio COVID-19 antigen self-test ng Abbott at SARS-CoV-2 antigen rapid test self-test for home use ng Labnovation ay nakatanggap na ng special certification mula sa FDA.

Iniulat rin niya na mayroon nang kabuuang 86 antigen test kits ang inalis na sa merkado.

“Hindi nila na-meet ang RITM performance validation habang mayron silang special certification o ‘di kaya ‘di po sila rehistrado, authorized o kaya sinurender ng special certification holder ‘yong kanilang certification,” aniya pa.

“Marami po talaga ditong natanggal sa market dahil ‘di po sila pumasa sa standard ng FDA,” dagdag pa niya.

Paglilinaw naman ni Gutierrez, ang pagsusuri sa sarili ay isa lamang sa mga pamamaraan upang protektahan ang sarili at kapwa laban sa virus.

Patuloy pa rin niyang hinikayat ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19 at patuloy na istriktong tumalima sa umiiral na minimum health protocols ng pamahalaan.

Hinikayat rin niya ang publiko na tanging mga self-test kits na sertipikado lamang ng FDA ang bilhin mula sa mga drug outlets na lisensiyado ng kanilang tanggapan.

Mary Ann Santiago

Tags: COVID-19 antigen test kits
Previous Post

Dingdong Dantes, binalaan ang publiko sa pekeng Linkedin account na nakapangalan sa kaniya

Next Post

DepEd official: Expanded phase ng face-to-face classes, tuloy sa Pebrero

Next Post
DepEd: Plastic barrier sa desk ng mga estudyante, hindi requirement sa face-to-face classes

DepEd official: Expanded phase ng face-to-face classes, tuloy sa Pebrero

Broom Broom Balita

  • Kabataan PL, sinupalpal ang panibagong ‘mental gymnastics’ ni Badoy
  • Preparasyon para sa Barangay at SK polls, sisimulan na ng Comelec sa Hunyo
  • Tubig sa dam, inaasahang tataas pa ngayong tag-ulan– NWRB
  • Mga pamilyang nawalan ng tahanan sa sunog sa Pandacan, pinaaayudahan ni Domagoso
  • Pepe Herrera, sinariwa ang alaala ni Susan Roces: ‘Noong nagbigay ka ng sobre sa akin… nahiya ako kasi akala ko pera’
Kabataan PL, sinupalpal ang panibagong ‘mental gymnastics’ ni Badoy

Kabataan PL, sinupalpal ang panibagong ‘mental gymnastics’ ni Badoy

May 24, 2022
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Preparasyon para sa Barangay at SK polls, sisimulan na ng Comelec sa Hunyo

May 24, 2022
Tubig sa dam, inaasahang tataas pa ngayong tag-ulan– NWRB

Tubig sa dam, inaasahang tataas pa ngayong tag-ulan– NWRB

May 24, 2022
Mayor Isko sa political families: ‘Ang away ng pamilyang yan walang dinulot na mabuti sa ating bayan’

Mga pamilyang nawalan ng tahanan sa sunog sa Pandacan, pinaaayudahan ni Domagoso

May 24, 2022
Pepe Herrera, sinariwa ang alaala ni Susan Roces: ‘Noong nagbigay ka ng sobre sa akin… nahiya ako kasi akala ko pera’

Pepe Herrera, sinariwa ang alaala ni Susan Roces: ‘Noong nagbigay ka ng sobre sa akin… nahiya ako kasi akala ko pera’

May 24, 2022
Robredo, nais na ituloy na ang SK, barangay elex; iginiit ang layunin ng SK Law

Kampo ni Robredo, walang pagtutol sa resulta ng halalan

May 24, 2022
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%

May 24, 2022
Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

May 24, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan

May 24, 2022
Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.