• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Lolit, nagpasalamat sa pagtutuwid ni Kris: ‘Kris deserves to be loved’

Richard de Leon by Richard de Leon
January 24, 2022
in Showbiz atbp.
0
Lolit, nagpasalamat sa pagtutuwid ni Kris: ‘Kris deserves to be loved’

Lolit Solis, Kris Aquino, at mel Sarmiento (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang pagtutuwid ni Kris Aquino sa Instagram post ni Manay Lolit Solis na posibleng magkabalikan umano sila ng dating fiance na si Mel Sarmiento, sumagot naman dito ang showbiz columnist sa panibago niyang Instagram post ngayong Enero 24, 2022.

“Thank you kay Kris Aquino sa pagsagot niya doon sa mga balita na baka magkabalikan sila ni Papa Mel, Salve,” panimula ng showbiz columnist.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/kris-hindi-babalikan-si-mel-iniwan-niya-ako-when-i-was-at-my-lowest-and-ginawa-niya-yun-via-text/

“At least na clear niya iyon maraming tanong na nasa isip ng mga followers niya. Akala pa naman ng lahat natagpuan na ni Kris ang ‘the one’ para sa kanya, pero kung babasahin mo ang naging sagot niya parang umpisa pa lang ay hindi na buo ang nararamdaman niya kay Mel,” pahayag ni Manay Lolit.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/kris-may-paratang-kay-mel-nag-imbento-hindi-siya-minahal-at-ginamit-lang-siya/

Sa una pa lamang daw ay mukhang may ‘kapalpakan’ na umano na ginawa si Mel.

“Masakit nga siguro iyon nag-try ang ate niya para kausapin si Mel pero iniwasan niya at hindi sinagot ang tawag ng ate ni Kris. So noon pa lang pala medyo may mga ginagawa ng palpak si Mel, kaya mas mabuti ngang naghiwalay na sila. Plus iyon hindi pala kaya ni Mel na lagi nasa tabi ni Kris lalo ngayon dahil sa kalagayan nito.”

“Iyon hindi puwede i-sacrifice ni Mel iyon pag shopping niya sa isang middle class na clothing shop at pagpunta sa barbero. At how gross na sa text lang niya break si Kris Aquino. Sayang talaga dahil nga akala ng lahat ito na ang hinihintay na matagal ni Kris, at inakala pang kasundo ng mga anak niya, pero hindi pala. How sad.”

“Sana naman hindi gaanong nasaktan si Kris at naka-move on agad, kundi dagdag-stress pa sa kanya iyon break up nila ni Mel. Hindi bale na, for sure, ang lucky the one ni Kris nandiyan lang, naghihintay din ng tamang timing. Magtatagpo din tiyak ang dalawang iyan, in God’s time. Pray natin Gorgy at Salve.”

Aniya pa, deserve umano ni Kris na makasumpong ng kaniyang ‘forever’.

“Kris deserves to be loved, and has so much love sa puso niya na puwede niya ishare. Sana matagpuan na niya ang kanyang forever.”

Agad namang sumagot si Kris sa IG post na ito ni Manay Lolit.

“Nay- TRUTH… Ate said for the sake of peace NEVER post anything about what I had gone through & what he had done to me- just let go and thank God you found out early enough… Nay, I obeyed because my Ate is really like a 2nd mom to me. And I can never say NO to just 3 people- Ate & my 2 sons.”

“BUT nakahanap ng loophole sa request niya- she said for ME to never post-pero she didn’t specify na wag ako mag comment sa posts ng iba… hindi ko alam why yesterday as i was scrolling through IG, I saw your post.”

Sa bandang dulo ng post ay tila may himig-pagbibiro na si Kris.

“So you know your Tetay- I found a way to still obey my Ate but finally reveal my TRUTH.”

Samantala, nagbigay naman ng mensahe kay Kris sa comment section ang misis na aktres ni Christopher De Leon na si Sandy Andolong.

“Healing prayers for Kris. May the Lord bless you and keep you. May the Lord make his face shine upon you, and be gracious to you. May the Lord lift up his countenance upon you, and give you peace,” aniya.

Nagkomento rin ang kaibigang abogado at nirereto ng mga netizen kay Kris na si Atty. Gideon Peña.

“@krisaquino the de facto* lawyer.⁣ *in fact or effect.”

Matatandaang noong Enero 23 ay nag-post si Manay Lolit na posible umanong magkabalikan sina Kris at Mel. Batay raw ito sa mga senyales, subalit hindi na ito ipinaliwanag pa ng showbiz columnist.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/23/kris-aquino-at-mel-sarmiento-magkakabalikan-daw-sey-ni-lolit/

“Siguro nga naramdaman ni Papa Mel na sayang kundi bibigyan ng second chance ang kanilang relasyon lalo pa nga at tanggap ng kani kanilang pamilya ang kanilan love sa isa’t isa. Well, love is lovelier the second time around , kaya sige na Kris at Papa Mel, back na kayo sa isa’t isa, kiss and make up na,” saad ni Lolit, na siyang pinabulaanan ng Queen of All Media na ngayon ay nagpapagaling sa sakit.

Tags: kris aquinoLolit SolisMel Sarmiento
Previous Post

Mas maluwag na COVID-19 protocols, ‘di pa napapanahong ipatupad – eksperto

Next Post

Inting, acting Comelec chairman muna simula Pebrero 3

Next Post
Inting, acting Comelec chairman muna simula Pebrero 3

Inting, acting Comelec chairman muna simula Pebrero 3

Broom Broom Balita

  • Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%
  • Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA
  • Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan
  • Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”
  • Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Comelec: Accuracy ng RMA para sa Eleksyon 2022, nanatili sa 99.9%

May 24, 2022
Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

Monitoring inspection sa Las Piñas LGU, isinagawa ng ARTA

May 24, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Karambola ng 3 sasakyan: Rider, patay; 2 driver pa, sugatan

May 24, 2022
Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

Pokwang, kinalampag ang internet service provider: “One week na po walang silbi ang wifi namin”

May 24, 2022
Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

Kelot na walong oras lumaklak ng alak, bumulagta, binawian ng buhay

May 24, 2022
Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

Kris, kinakaya ang sakit para sa mga anak—Lolit

May 24, 2022
“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

“I feel utterly humiliated to be a Filipino today”; Mike De Leon, proud sa pelikulang ‘Itim’ pero dismayado

May 24, 2022
OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

OFW na umuwi sa Pinas, nagreklamo; chocolates sa bagahe niya, nilimas?

May 24, 2022
Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

Lunch Out Loud, mas nakakaaliw daw kaysa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang gimmicks

May 24, 2022
Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

Xian Gaza, binanatan ang Toni Talks: ‘Chumi-cheap na yung mga content ni Toni Gonzaga. Wala ng class’

May 24, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.