• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Maris Racal, ‘masyadong payatot’ at ‘sobrang tuyot’ daw; may sagot sa body shamers

Richard de Leon by Richard de Leon
January 23, 2022
in Showbiz atbp.
0
Maris Racal, ‘masyadong payatot’ at ‘sobrang tuyot’ daw; may sagot sa body shamers

Maris Racal (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inamin ng isa sa mga cast member ng pinag-uusapang ‘The Kangks Show’ na si Kapamilya star Mariz Racal na dati raw ay hindi niya bet ang kaniyang katawan dahil napapayatan siya sa sarili niya.

“Ako, dati, hindi ko talaga gusto yung body ko kasi masyadong sobrang payat,” sey ni Maris sa isinagawang panayam ng Philippine Entertainment Portal sa kaniya noong Enero 20, 2022 hosted by Jimpy Anarcon.

Nakaapekto rin umano ang kaniyang katawan sa mga roles na ibinibigay sa kaniya.

“And like, yun yung time na gusto ko nang mag-mature onti sa role and laging talagang nabibigay sa akin bata, ganyan. Kasi ang liit ko. So yun yung insecurity ko, parang guso ko mag-gain,” aniya.

At syempre, may mga body shamers din siyang naka-engkuwentro. Tinawag daw siyang sobrang payatot at tuyot.

“May mga comments din na, ‘Ano ba ito si Maris, masyadong payatot,’ parang, ‘hindi nakakaganda, hindi nakaka-fresh.’

“Or parang,… like, very low na word like, ‘Ang tuyot mo na.’ Alam mo yun?”

Aminado naman siyang nakaapekto ito sa kaniyang tiwala sa sarili, subalit habang tumatagal, nasasanay na rin at hindi na lamang niya ito pinapansin. Naaral na rin niya kung ano ang isasagot sa mga basher at hater na walang ginawa kundi mamuna ng mga kapintasan sa katawan ng mga artistang gaya niya.

“‘Get a life! Alam mo?’ Parang, ‘Hindi mo naman ito katawan eh,’ alam mo ‘yun?”

Hindi na raw welcome ngayong 2022 ang body shaming.

“Kung mag-comment ka nangg ganyan, ikaw na yung nakakaawa, hindi na yung binabash mo. At the end of the day, ako lang nakakakilala sa sarili ko. And, I have my own goals sa body.”

“I may look like this, but you don’t know if I’m unhealthy inside so I’m fixing that. “May sarili tayong goals so focus tayo sa sarili natin. And that applies to everyone who’s watching din na focus on your own self when it comes to your body.”

Mukhang happy naman si Maris sa estado ng career niya ngayon. Sa katunayan, bukod sa pinupuri ang kaniyang acting sa ‘The Kangks Show’, may bago rin siyang awitin ngayon na pinamagatang ‘Pumila Ka’.

“I can’t believe it’s finally out. Taon rin akong kating-kati na irelease ‘to,” saad ni Maris sa kaniyang Instagram post noong Enero 20.

Maris Racal (Screengrab mula sa IG)

“Para ‘to sa lahat ng matagal nang nakapila sa kung ano man. Sa grocery, sa crush nila, o kahit sa pangarap nila. Dadating din ang panahon na makukuha n’yo ‘yan.”

Going stronger din ang relasyon nila ng jowang singer, songwriter, multi-instrumentalist, record producer, actor, endorser at entrepreneur na si Rico Blanco kahit na malayo ang agwat ng edad nila sa isa’t isa.

Nagsimulang makilala si Maris nang maging teen housemate sa ‘Pinoy Big Brother: All In’ noong 2014 kung saan siya ang itinanghal na Second Big Placer. Si Daniel Matsunaga naman ang Big Winner.

Kasabayan niya ang mga sikat na ring artista ngayon na sina Loisa Andalio at Joshua Garcia na galing din sa PBB at mga bankable stars na sa Kapamilya Network.

Tags: body shamingMaris Racal
Previous Post

Sunday Mass sa Manila Cathedral, magkakaroon na ng sign language interpreter

Next Post

Panukala ni Sara Duterte na mandatory ROTC, binatikos ng isang student group

Next Post
Panukala ni Sara Duterte na mandatory ROTC, binatikos ng isang student group

Panukala ni Sara Duterte na mandatory ROTC, binatikos ng isang student group

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.