• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Kris Aquino at Mel Sarmiento, magkakabalikan daw, sey ni Lolit

Richard de Leon by Richard de Leon
January 23, 2022
in Balita Archive
0

Lolit Solis, Kris Aquino, at Mel Sarmiento (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinabi ng showbiz columnist na si Lolit Solis na balitang magkakabalikan daw ang dating engaged couple na sina Kris Aquino at Mel Sarmiento, batay sa kaniyang latest Instagram post nitong Enero 23, 2022.

Matatandaang halos wala pang isang linggo nang pumasok ang 2022 ay inanunsyo ni Kris na wala na sila ni Mel, batay sa mga bulung-bulungan ng mga Marites, nang burahin niya ang mga litrato, video, at posts sa kaniyang Instagram na may kinalaman sa ex fiance.

Walang third party sa kanilang relasyon kaya sila naghiwalay; ang siste, inuna ni Mel ang kapakanan ng kalusugan ni Kris na hindi umano puwedeng madapuan ng COVID-19 dahil sa sakit nito. Kung patuloy umano silang magsasama ay may posibilidad na mahawahan ni Mel si Kris kung sakaling carrier pala siya ng virus na hindi niya namamalayan. Batay sa screengrab ng mensahe ni Mel, mukha umanong si Kris ang nagbigay ng mungkahing mas mainam na lamang na maghiwalay na sila, bagay na sinang-ayunan naman niya.

Ayon naman kay Lolit, may mga sign o senyales daw na muling magbabalik sa buhay ni Kris ang kaniyang ‘love love love.’

Kris Aquino at Mel Sarmiento (Larawan mula sa IG/Lolit Solis)

“Balitang baka magkabalikan sina Kris Aquino at Papa Mel Sarmiento Salve. May mga sign daw na baka bumalik si Papa Mel kay Kris dahil talaga daw love nito ang nanay nila Joshua at Bimby. In fairness naman kay Kris talagang pag minahal ka niya all out siya para sa iyo.”

“Siguro nga naramdaman ni Papa Mel na sayang kundi bibigyan ng second chance ang kanilang relasyon lalo pa nga at tanggap ng kani-kanilang pamilya ang kanilang love sa isa’t isa. Well, love is lovelier the second time around , kaya sige na Kris at Papa Mel, back na kayo sa isa’t isa, kiss and make up na.”

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen.

“Ok lang naman bumalik siya kung tatanggapin pa siya ni Kris pero sana bago siya bumalik eh sigurado na siya sa sarili niya na handa siyang damayan si Kris anuman yung pinagdadaanan ng tao na hindi siya mapapagod at susuko na lang basta dahil lang napagod siya sa quarantine.”

“Ngeks.. after all what he texted to Kris… parang high school lang? Hahaizt.. immature.”

“Sana ngaaa…”

Screengrab mula sa IG/Lolit Solis

Hindi naman binanggit ni Lolit kung sino ang kaniyang reliable source kaya nasabi niya ito.

Samantala, wala pang pahayag o kumpirmasyon mula rito si Kris na nagpapagaling pa sa kaniyang sakit.

Tags: kris aquinoLolis SolisMel Sarmiento
Previous Post

Xian Gaza, may ‘hugot’ matapos ang pagkakakulong ng 80 anyos na lolo dahil sa mangga

Next Post

TikTok personality at pharmacist Arshie Larga, mamamahagi ng ‘health kit’

Next Post
Pharmacist at TikTok personality, nakalikom ng pera mula sa ‘pamamasko’; sinagot ang gamot ng mga mamimili

TikTok personality at pharmacist Arshie Larga, mamamahagi ng 'health kit'

Broom Broom Balita

  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
  • Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’
  • Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas

Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas

May 18, 2022
Comelec: 12 nanalong senador, naiproklama na!

Comelec: 12 nanalong senador, naiproklama na!

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.