• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Boxing

Boksingerong si Magsayo, lalabanan ulit si Gary Russell?

Balita Online by Balita Online
January 23, 2022
in Boxing, Sports
0
Boksingerong si Magsayo, lalabanan ulit si Gary Russell?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos talunin si Gary Russell, Jr, ang Amerikanong may hawak ng WBC featherweight title mula 2015 hanggang 2022, kaagad na umugong ang espekulasyon na magkakaroon ng rematch ang dalawang boksingero.

“It’s up to sir Sean Gibbons (MP Promotions president) and my promotions. It’s up to them,” ayon kay Magsayo na nananatili pa ring walang talo sa 24 niyang laban, tampok ang 16 na knockouts.

“But I’m willing to fight anybody now. I’m a champion now,” pagmamalaki ng Pinoy sa panayam ng mga mamamahayg ilang minuto matapos gapiin si Russell sa kanilang laban sa Borgata Hotel Casino & Spa, Atlantic City sa New Jersey nitong Sabado, Enero 22 (Linggo sa Manila).

Gayunman, ipinaliwanag ng beteranong manunulat sa larangan ng boksing na si Dan Rafael, masyado pang maaga upang pag-usapan ito at sinabing ang isang mandatory fight ay walang ibinibigay na “rematch clause” para kay Russell.

Nakadepende pa rin aniya ang laban sa kani-kanilang promotions at sa WBC.

Bago nahablot ni Magsayo ang panalo, pinahirapan muna ito ng Russell.

Nang tumuntong sa ikaapat na round, napangiwi na si Russell nang tangkain nitong magpakawala ng malakas na suntok matapos na mapunit ang litid sa kanang balikat.

Dahil dito, isang kamay na lamang ang ginamit ni Russell na sinamantala naman ni Magsayo kaya nito naiuwi ang titulo.

Nang matapos ang laban, tinanong din si Russell sa posibleng rematch na agad namang umayon.

“Will he (Magsayo) want a rematch? That’s the question. I’d rematch him,” sabi ni Russell na nakatikim ng ikalawang talo, 31 panalo at 18 KOs.

Previous Post

Eleazar sa gov’t: Maglaan din ng SRA para sa mga janitor, security guard ng mga ospital

Next Post

Taguig LGU, namahagi ng oral COVID-19 drug molnupiravir

Next Post
Taguig LGU, namahagi ng oral COVID-19 drug molnupiravir

Taguig LGU, namahagi ng oral COVID-19 drug molnupiravir

Broom Broom Balita

  • P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga
  • Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista
  • Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino
  • Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022
  • Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”
P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

May 17, 2022
Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

May 17, 2022
Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

May 17, 2022
Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

May 17, 2022
Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

May 17, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: 7 NCR LGUs, walang naitalang bagong COVID-19 cases

May 17, 2022
Robredo, kakampi ng mga taga-Boracay sa pagtutol sa BIDA bill

Tanggapan ni VP Robredo, pinabulaanan ang ‘malisyusong’ paratang ng piloto

May 17, 2022
Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

May 17, 2022
Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

May 17, 2022
Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.