• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Ka Leody, sa FB live na lang maghahapag ng plataporma matapos ma-snub ni Jessica Soho

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
January 23, 2022
in National / Metro
0
Ka Leody, sa FB live na lang maghahapag ng plataporma matapos ma-snub ni Jessica Soho

Mga larawan mula sa Facebook at Twitter pages ni Ka Leody de Guzman

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos hindi maimbitahan sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” ang workers advocate at presidential aspirant na si Ka Leody de Guzman, magla-live na lang ito sa Facebook upang i-broadcast ang kaniyang plataporma at paniniwala ukol sa sari-saring isyu na kinahaharap ng bansa.

Sa teaser na inilabas ng GMA News sa 24 Oras nitong Biyernes, Enero 22, tanging limang nangungunang presidential aspirants lang sa pinakahuling survey ang hinamon ng programa na humarap sa publiko at makipagtalakayan sa pinakamaiinit na kontrobersiyang kinahaharap ng bawat kandidato gayundin ang ilang isyu ng bansa.

Gayunpaman, si Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson, Senator Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo lang kumasa sa hamon.

Sa paratang na “biased” ang award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho, hindi pinaunlakan ng dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paanyaya ng programa.

Pinalagan naman ng GMA ang paratang ng kampo ni Marcos at binigyang-diin ang bigat ng mga tanong sapagkat katumbas nito ay mabigat na responsibilidad sa bayan.

Dahil sa hindi pagkakabilang sa Top 5 presidential candidates sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, hindi nakasama si Ka Leody de Guzman sa lineup ng naturang GMA News program.

“Dahil hindi ako naimbitahan sa Presidential Interviews ni @KM_Jessica_Soho ng @GMA_PA, ako ay magla-live sa ttp://facebook.com/partidolakasngmasa… mamayang 6:15PM para sagutin ang mga tanong na ibabato sa ibang kandidato para maipresenta ko sa publiko ang aking mga pananaw, tindig at plataporma,” saad ni Ka-Leody sa isang Tweet nitong Sabado, Enero 22.

Dahil hindi ako naimbitahan sa Presidential Interviews ni @KM_Jessica_Soho ng @GMA_PA, ako ay magla-live sa https://t.co/TsQ7Ppjt4o mamayang 6:15PM para sagutin ang mga tanong na ibabato sa ibang kandidato para maipresenta ko sa publiko ang aking mga pananaw, tindig at plataporma

— Ka Leody de Guzman (@LeodyManggagawa) January 22, 2022

Mapapanuod ang live sa Facebook page ng Partido Lakas Masa sa ika-6:15 ng gabi nitong Sabado, Enero 22, kasabay ng pag-ere ng nabanggit na presidential interviews na inilunsad ng GMA Network.

Nauna na ring nagpahayag ng interes ang presidential aspirant sa kaniyang paglahok sa mga presidential debate na oorganisahin ng Commission on Elections (Comelec).

Nais kong iparating sa @COMELEC at sa publiko ang aking interes na lumahok sa kanilang national debates. Tingin ko, tungkulin ng bawat kandidato na ipakilala ang kanyang sarili at kanyang plataporma sa mga botante upang magkaroon sila ng “informed choice” sa Mayo 2022.

— Ka Leody de Guzman (@LeodyManggagawa) January 20, 2022

Tags: Ka Leody de Guzman
Previous Post

Hindi bababa sa 300 Filipino travelers ang nagpositibo sa COVID-19 kada araw– BOQ

Next Post

Koponan ni Kai Sotto sa NBL, dinurog ng Melbourne United

Next Post
Koponan ni Kai Sotto sa NBL, dinurog ng Melbourne United

Koponan ni Kai Sotto sa NBL, dinurog ng Melbourne United

Broom Broom Balita

  • Domagoso, nagpasalamat sa Filipino-Chinese community dahil sa panibagong instagrammable spot
  • Freddie Aguilar, flinex ang kaniyang ‘bhabe’; netizen, nang-urirat kung anong iniinom niya araw-araw
  • Mga menor de edad na pumatay sa Maguad siblings, hindi pa makukulong
  • 4 plantasyon, sinalakay: Mahigit ₱10M marijuana, sinunog sa Kalinga
  • Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel
Domagoso, nagpasalamat sa Filipino-Chinese community dahil sa panibagong instagrammable spot

Domagoso, nagpasalamat sa Filipino-Chinese community dahil sa panibagong instagrammable spot

May 19, 2022
Freddie Aguilar, flinex ang kaniyang ‘bhabe’; netizen, nang-urirat kung anong iniinom niya araw-araw

Freddie Aguilar, flinex ang kaniyang ‘bhabe’; netizen, nang-urirat kung anong iniinom niya araw-araw

May 19, 2022
Mga menor de edad na pumatay sa Maguad siblings, hindi pa makukulong

Mga menor de edad na pumatay sa Maguad siblings, hindi pa makukulong

May 19, 2022
4 plantasyon, sinalakay: Mahigit ₱10M marijuana, sinunog sa Kalinga

4 plantasyon, sinalakay: Mahigit ₱10M marijuana, sinunog sa Kalinga

May 19, 2022
Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel

Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel

May 19, 2022
5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

May 19, 2022
CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon

CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon

May 19, 2022
Gab Valenciano matapos ang eleksyon: ‘Back to the grind!’

Gab Valenciano matapos ang eleksyon: ‘Back to the grind!’

May 19, 2022
2 bagong mahistrado, itinalaga ni Duterte sa Court of Appeals

2 bagong mahistrado, itinalaga ni Duterte sa Court of Appeals

May 19, 2022
Kris Bernal sa kaniyang 33rd birthday: ‘Our sins don’t make us less as a person’

Kris Bernal sa kaniyang 33rd birthday: ‘Our sins don’t make us less as a person’

May 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.