• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Fiancé ni Dominique Cojuanco na si Michael Hearn, 35, isang matagumpay na negosyante

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
January 22, 2022
in Celebrities, Features, Showbiz atbp.
0
Fiancé ni Dominique Cojuanco na si Michael Hearn, 35, isang matagumpay na negosyante

Mga larawan mula sa Instagram ni Dominique Cojuanco

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Makikita sa Instagram ang ilang preparasyon ng unica hija nina Gretchen Barreto at Tony Boy Cojuanco na si Dominique Cojuanco para sa nalalapit nitong kasal kay Michael “MJ” Hearn, isang matagumpay na multi-business owner.

Hindi na lingid sa publiko ang lalaking bumihag sa puso ng modelo at fashion designer na si Dominique kasunod ng paglitaw ng relasyon nito kay Michael noong taong 2019.

Dominique Cojuangco via Instagram

Matapos ang dalawang taong pagde-date, hahantong din sa kasalan ang dalawa nang ibahagi ni Dominique ang eleganteng singsing sa kaniyang Instagram noong Oktubre 21.

Dominique Cojuanco via Instagram

Sa ulat ng isang local fashion magazine, taong 2018 nang unang magkrus ang landas ng dalawa sa isang launch ng isang cocktail bar, ang Run Rabbit Run na kalauna’y nagdala sa kanilang estado ng relasyon ngayon.

Hindi man kilala sa mundo ng showbiz, si Michael ay matagumpay na negosyante sa edad na 35.

Michael Hearn via Instagram

Sa katunayan, pinamamahalaan nito ang isang consultancy firm ng kaniyang pamilya, ang Hearn & Hearn Consulting.

Sa kaniyang Instagram, makikita sa kaniyang profile ang nakabalandrang mga business brands nito kabilang ang Clear Ice Company Philippines at Winery PH.

Naiulat ding co-founder at direktor ng One Solution Asia si Michael, isang consultancy firm na nakatoka naman ang mga serbisyo sa ilang bahagi ng Asya.

Bago ang rebelasyon ng engagement, unang naglunsad ng skin care company ang magkasintahan sa brand ng “The Collectives Philippines.”

Sa parehong Instagram nina Dominique at Michael, kapansin-pansin ang kanilang mga larawang magkasama sa mga biyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Dominique Cojuangco via Instagram

Wala pang opisyal na anunsyo kaugnay ng petsa ng kanilang nalalapit na kasal.

Tags: Dominique Cojuangcogretchen barrettomichael hearnTony Boy Cojuanco
Previous Post

Mga kandidato, ‘di kinakailangang dumalo sa mga debate — Comelec

Next Post

Hindi bababa sa 300 Filipino travelers ang nagpositibo sa COVID-19 kada araw– BOQ

Next Post
Hindi bababa sa 300 Filipino travelers ang nagpositibo sa COVID-19 kada araw– BOQ

Hindi bababa sa 300 Filipino travelers ang nagpositibo sa COVID-19 kada araw-- BOQ

Broom Broom Balita

  • 13 PNP, senior officials itinalaga sa mga mahahalagang posisyon
  • PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card
  • Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz
  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
13 PNP, senior officials itinalaga sa mga mahahalagang posisyon

13 PNP, senior officials itinalaga sa mga mahahalagang posisyon

May 19, 2022
PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

May 19, 2022
Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

May 19, 2022
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.