Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 30,552 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Sabado, Enero 22.
Umakyat sa 280,619 ang aktibong kaso sa bansa, ayon sa latest bulletin ng DOH.
Sa aktibong kaso, 8,591 ang asymptomatic, 267,236 ang mild, 2,996 ang moderate, 1,491 ang severe, habang 305 ang kritikal.
Naitala naman ang 41,471 new recoveries habang 97 naman ang karagdagan bilang ng namatay.
Umabot na sa 3,387,524 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa naturang bilang, 3,053,499 ang naka-rekober at 53,406 ang namatay.
Samantala, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na masyado pang maaga para sabihing ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila.
“I think it’s too early to declare and to say to people that we will shift or deescalate to Alert Level 2,” aniya.
“Tinitignan muna po natin, we are closely monitoring. And according to projections, the peak might happen by the end of January or by the middle of February,” dagdag pa niya.
Analou de Vera