• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Cristy, napanaginipan si Kris; ‘Paggising ko, shock na shock ako!’

Richard de Leon by Richard de Leon
January 19, 2022
in Showbiz atbp.
0
Cristy, napanaginipan si Kris; ‘Paggising ko, shock na shock ako!’

Kris Aquino, Cristy Fermin, at Romel Chika (Larawan mula sa YT/Cristy Ferminute)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naibahagi ng showbiz columnist at host na si Cristy Fermin na napanaginipan daw niya si Queen of All Media Kris Aquino, na ngayon ay patuloy pa ring nakikipaglaban sa kaniyang hindi maipaliwanag na karamdaman.

Napag-usapan nila ni Romel Chika sa January 17 episode ng kanilang radio program na ‘Cristy Ferminute’ ang umano’y ‘pandededma’ ni Mel Sarmiento sa kaniyang dating fiancee.

“Bahagi ng mga panalangin ko si Kris Aquino. In fact, noong Sabado ng umaga, lungkot na lungkot ako noong gumising ako, alam ng mga kasambahay ko ‘yan… paggising ko, shock na shock ako…” saad ni Cristy.

Eh bakit nga ba siya shock na shock?

“Napanaginip ko, namatay si Kris Aquino. Idinala raw siya sa ibang bansa, hindi naman sinabi kung sa Singapore o Amerika, nakadalawang linggo raw siya sa ospital, pero pumanaw rin. Iyon ang aking panaginip. Lungkot na lungkot ako kasi bago ako matulog, binigyan ko siya ng mahabang panalangin…”

Sinulat daw ni Cristy sa kaniyang kolum sa isang tabloid na kung ang interpretasyon ng panaginip ay kabaligtaran, mas nanaisin pa niyang mapanaginipan si Kris para naman mas humaba pa ang buhay nito, gumaling, at magkaroon naman ng saysay ang marami nitong salapi.

Sa kabilang banda, hindi rin naman daw nagustuhan ni Cristy ang sinabi ni Kris na ‘It’s not my lost’ hinggil sa paglayo sa kaniya ni Mel.

“Sa akin lang… personal kong pananaw ito… kapag pinasok mo ang isang relasyon, hindi ka dapat nagsasabi na ‘It’s not my lost,'” at ginawa pang halimbawa ni Cristy ang hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

“Kapag pumasok ka sa isang relasyon, iyan ay desisyon mo, na hindi mo dapat isisi sa ibang tao… batang pag-ibig, matandang pag-ibig, pinasok mo ‘yan, lumigaya ka minsan sa isang panahon. Kapag naghiwalay na kayo, huwag mo nang wasakin! ‘Di ba? Kasi wala namang nagtulak sa iyo eh, eh kung sana hinilawod kita palapit kay Mel Sarmiento, eh hindi eh… nagulantang na nga lang ang publiko nang bigla mong sabihin na kayo na at engage na kayo eh,” sey pa ni Cristy.

“Yung it’s not my lost hindi na dapat sinasabi ‘yun, eh paano kung sumagot bigla si Mel Sarmiento, ‘It’s not my lost either’…”

Katahimikan daw ni Kris Aquino ang hiling ni Cristy para makatulong sa agaran nitong pagpapagaling.

Tags: Cristy Ferminkris aquino
Previous Post

Korina sa mga paid trolls: ‘Hiyain muna natin nang todo bago pakulong’

Next Post

Urirat sa sis ni Daniel Padilla: ‘Friend mo ba si Barbie Imperial?’

Next Post
Urirat sa sis ni Daniel Padilla: ‘Friend mo ba si Barbie Imperial?’

Urirat sa sis ni Daniel Padilla: 'Friend mo ba si Barbie Imperial?'

Broom Broom Balita

  • Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel
  • 5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat
  • CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon
  • Gab Valenciano matapos ang eleksyon: ‘Back to the grind!’
  • 2 bagong mahistrado, itinalaga ni Duterte sa Court of Appeals
Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel

Barbie, Xian, nagpaliwanag na tungkol sa inintrigang viral photo na magkasama sila sa isang hotel

May 19, 2022
5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

5 NPA members, sumuko sa Sultan Kudarat

May 19, 2022
CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon

CEAP, kumpiyansang matutugunan ni Presumptive VP Duterte ang mga problema sa sektor ng edukasyon

May 19, 2022
Gab Valenciano matapos ang eleksyon: ‘Back to the grind!’

Gab Valenciano matapos ang eleksyon: ‘Back to the grind!’

May 19, 2022
2 bagong mahistrado, itinalaga ni Duterte sa Court of Appeals

2 bagong mahistrado, itinalaga ni Duterte sa Court of Appeals

May 19, 2022
Kris Bernal sa kaniyang 33rd birthday: ‘Our sins don’t make us less as a person’

Kris Bernal sa kaniyang 33rd birthday: ‘Our sins don’t make us less as a person’

May 19, 2022
CAVITEX toll increase, ipatutupad na sa Mayo 22

CAVITEX toll increase, ipatutupad na sa Mayo 22

May 19, 2022
One Cebu, suportado si Bongbong Marcos

Bongbong Marcos, binati ang mga nanalong senador ngayong eleksyon 2022

May 19, 2022
Tricia Robredo, tinalakan ang netizens: ‘Hindi nakakatawa at hindi nakakatuwa’

Tricia Robredo, tinalakan ang netizens: ‘Hindi nakakatawa at hindi nakakatuwa’

May 19, 2022
13 PNP, senior officials itinalaga sa mga mahahalagang posisyon

13 PNP, senior officials itinalaga sa mga mahahalagang posisyon

May 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.