• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Kris, baka nakulam daw; hinikayat na magpa-albularyo, pagamot sa faith healer

Richard de Leon by Richard de Leon
January 18, 2022
in Showbiz atbp.
0
Kris, baka nakulam daw; hinikayat na magpa-albularyo, pagamot sa faith healer

Kris Aquino (Larawan mula sa IG/Freepik)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinihikayat umano ng mga netizen at concern sa kaniyang kalusugan si Queen of All Media Kris Aquino na magpakonsulta na sa albularyo dahil baka may kumukulam na raw sa kaniya.

Iyan ang ibinahagi ng showbiz columnist na si Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel na ‘Showbiz Update’ kung saan marami raw ang nagtetext sa kaniya na sabihan na si Kris na magpa-albularyo na.

Chika pa ni Ogie, may isang artista raw siyang nakausap na nagkuwento sa kaniya, na sinabihan umano nito ang assistant ni Kris na bakit hindi subukin ang pagpapa-albularyo.

Baka raw ang nararanasan ngayon ni Kris ay epekto ng kulam. Wala raw kasing mahanap na lunas o dahilan ng pagkakasakit nito, kaya malamang sa malamang ay baka nga raw nakulam o nabarang ito, sey ng naturang artista.

“Bakit daw biglang nag-deteriorate ang katawan ni Kris, bakit daw nagkaroon ng ganoong sakit si Kris… ‘di ba,” sey ni Ogie. May mga nagpapadala rin umano ng text o direct message sa kaniya na hikayatin si Tetay na subuking uminom ng mga quack medicine at baka sakaling gumaling siya.

Ngunit ayon din mismo kay Ogie, may nakarating sa kaniya na hindi umano naniniwala si Kris sa albularyo o kaya naman ay faith healer.

Matatandaang iyan din ang sinabi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang radio program na ‘Cristy Ferminute’.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/15/kris-aquino-pinayuhang-magpa-albularyo-sey-ni-cristy/

Hinikayat nga ni Ogie si Kris na baka puwede niyang subukin ang pagpapagamot sa albularyo kung talagang hindi na ma-detect ng mga dalubhasa kung saan talaga nanggagaling ang kaniyang pagkakasakit.

“Hindi naman natin kinukuwestyon ang kapasidad ng mga doktor, pero kung ganyang patuloy na bumababa ang kaniyang immune system, baka puwede naman nating bigyan ng konsiderasyon yung (pagpapagamot) sa mga faith healer.”

“Baka naman talagang nakukulam si Kris o nababarang… meron at meron kasing nagagalit kay Kris… pero syempre, sana naman walang gumagawa nang ganoon, kasi ang balik niyon ay sa’yo,” sey pa ni Ogie na ang tinutukoy ay ang posibleng nagpakulam kay Kristeta.

“Mareng Kris, baka naman puwede mong ikonsidera ito,” pagdidiin pa ni Ogie.

Nakarating na umano kay Kris ang suggestion na magpatingin na ito sa albularyo, pero ayon umano sa source ni Ogie, hindi pa ito ineentertain sa ngayon ng Queen of All Media.

Aware naman umano si Krissy na marami na ngang nagsasabing magpakonsulta na siya sa albularyo, subalit sa ngayon daw ay sa mga medical doctors na muna siya magtitiwala.

Nagpapasalamat naman umano si Krissy sa lahat ng mga nagmamalasakit sa kaniya.

Tags: faith healerkris aquinoKulam
Previous Post

Tax exemptions sa local at music industries, pinagtibay

Next Post

Barbie at Diego, wala pa ring sweet posts, pictures together; hiwalay na nga ba?

Next Post
Barbie at Diego, wala pa ring sweet posts, pictures together; hiwalay na nga ba?

Barbie at Diego, wala pa ring sweet posts, pictures together; hiwalay na nga ba?

Broom Broom Balita

  • 80 anyos na Singaporean, itinanghal bilang ‘oldest climber’ ng Mt. Apo
  • Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan
  • Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!
  • Nawalan ng akses sa voting places ang mga botante noong nakaraang halalan? Comelec, dumepensa
  • Duterte sa kanyang magtatapos na termino: ‘Kung kulang pa ‘yun, pasensya na po’
80 anyos na Singaporean, itinanghal bilang ‘oldest climber’ ng Mt. Apo

80 anyos na Singaporean, itinanghal bilang ‘oldest climber’ ng Mt. Apo

May 24, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

May 23, 2022
Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!

Lalaking nakuhanan ng P55-M halaga ng shabu sa Caloocan, timbog!

May 23, 2022
Nawalan ng akses sa voting places ang mga botante noong nakaraang halalan? Comelec, dumepensa

Nawalan ng akses sa voting places ang mga botante noong nakaraang halalan? Comelec, dumepensa

May 23, 2022
Pangulong Duterte, nais pairalin pa rin ang pagsusuot ng face mask

Duterte sa kanyang magtatapos na termino: ‘Kung kulang pa ‘yun, pasensya na po’

May 23, 2022
Labor group, muling nanawagan para sa P750 minimum wage sa bansa

Labor group, muling nanawagan para sa P750 minimum wage sa bansa

May 23, 2022
Lovi Poe, na-conscious kay Papa P sa isang announcement spiel

Lovi Poe, na-conscious kay Papa P sa isang announcement spiel

May 23, 2022
Tagumpay ng ‘Sour’ album ni Olivia Rodrigo, inalala ng Fil-Am singer-songwriter

Tagumpay ng ‘Sour’ album ni Olivia Rodrigo, inalala ng Fil-Am singer-songwriter

May 23, 2022
‘Be happy’: Turo ni Xian Gaza sa dapat na pangarap ng anak paglaki nito, ikinaantig ng netizens

‘Be happy’: Turo ni Xian Gaza sa dapat na pangarap ng anak paglaki nito, ikinaantig ng netizens

May 23, 2022
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Dagdag at bawas presyo sa produktong petrolyo, asahan!

May 23, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.