• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Expansion ng face-to-face classes sa Pebrero, inirekomenda ng DepEd kay Pangulong Duterte

Balita Online by Balita Online
January 18, 2022
in Balita, National / Metro
0
Enrollment para sa SY 2021-2022, sisimulan na ng DepEd sa Agosto 16
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inirekomenda ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang expansion o pagpapalawak pa ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng COVID-19 Alert Levels 1 at 2.

Sa Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang expansion ng face-to-face classes ay magsisimula nang hindi mas maaga sa unang linggo ng Pebrero.

Tiniyak naman ni Briones na maingat pa rin nilang ikukonsidera dito ang payo ng Department of Health (DOH), mga local government units (LGUs), gayundin ng Department of Justice (DOJ).

“Iyon ang proposal namin Mr. President, na February ang pag-e-expand, pero maingat pa rin taking into consideration the advice of the Department of Health, local government units, as well as now the DOJ,” ayon kay Briones.

Kasabay nito, sinabi rin ni Briones na ang DepEd at DOH ay dapat na bigyan ng awtoridad na magdesisyon hinggil sa scale at mechanics ng naturang expansion at iba pang school-based activities, sa pakikipag-konsultasyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Inirerekomenda rin aniya nila na tanging mga bakunadong guro at mga non-teaching personnel lamang ang papayagang lumahok sa face-to-face classes.

Mas mainam rin aniya kung mga bakunadong estudyante lamang rin ang lalahok dito.

Siniguro rin naman ng kalihim na patuloy pa rin ang framework ng shared responsibility at mananatiling requirement dito ang pagsang-ayon ng LGUs at pahintulot ng mga magulang.

“Hindi kami mag-e-expand basta-basta na hindi kami nangangatok sa local governments at hangga’t hindi nakukuha ang written consent ng parents,” aniya pa. 

Mary Ann Santiago

Tags: COVID-19depedface-to-face classes
Previous Post

DOTr: Unang araw ng ‘no vaxx, no ride policy’ sa NCR, generally peaceful

Next Post

DOTr: Public transport, bukas pa rin sa mga unvaxxed na manggagawa, medically incapable

Next Post
Higit 50 pasahero, nasampolan ng ‘no vaxx, no ride’ policy sa QC, Caloocan

DOTr: Public transport, bukas pa rin sa mga unvaxxed na manggagawa, medically incapable

Broom Broom Balita

  • PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card
  • Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz
  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

May 19, 2022
Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

May 19, 2022
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.