• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Higit 50 pasahero, nasampolan ng ‘no vaxx, no ride’ policy sa QC, Caloocan

Balita Online by Balita Online
January 17, 2022
in National / Metro
0
Higit 50 pasahero, nasampolan ng ‘no vaxx, no ride’ policy sa QC, Caloocan

Screengrab mula sa Facebook video ng Inter Agency Council for Traffic

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mahigit 50 indibidwal ang dinakip sa Quezon City at Caloocan City sa pagpapatupad ng Inter Agency Council for Traffic (I-ACT) ng patakarang “no vaccination, no ride” ng Department of Transportation (DOTr) nitong Lunes, Enero 17.

Pagpatak pa lang ng alas-12 ng tanghali nitong Lunes, nahuli na ng mga opisyal ng I-ACT ang humigit-kumulang 50 pasahero sa mga bus at taxi sa Commonwealth Avenue at 67 pasahero sa Quezon Avenue, ayon sa DZBB Super Radyo.

Dalawampu’t tatlong PUV sa Commonwealth Avenue at Quezon Avenue ang napag-alamang hindi sumusunod sa patakaran.

Makikita ang mga miyembro ng I-ACT at Quezon City Task Force Disiplina (QC TFD) na nag-inspeksyon sa mga pasahero at sa mga vaccination card at valid ID ng mga driver ng Public Utility Vehicle (PUV), gayundin ang pag-check kung ang 70 porsiyentong kapasidad sa PUVs ay sinusunod. 

Ayon sa GMA News, limang pasahero ng bus na hindi pa bakunado ang nahuli ng mga miyembro ng QC TFD dakong alas-7 ng umaga sa Commonwealth Avenue.

Hiniling din sa mga siklista sa Commonwealth Avenue na ipakita ang kanilang mga vaccination card at valid ID. Ang mga siklistang hindi bakunado ay dinala ng TFD sa kanilang mga outpost.

Sa Monumento sa Caloocan City, si Victor Alcantara, isang jeepney driver, ay pinabalik ng mga miyembro ng I-ACT sa terminal ng jeep partially vaccinated lang ito.

Hiniling din na bumaba sa sasakyan ang isang partially vaccinated na pasahero sa loob ng isang dyip.

Ngayong linggo, ang hindi pa nabakunahan na mga indibidwal na mahuhuling lumalabag sa patakaran ay makakatanggap lamang ng verbal warning sa halip na mabigyan ng tiket, ayon sa Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) National Capital Region (NCR) Lt. Col. Joel Mendoza.

Nakasaad sa Department Order No. 2022-001 o ang “no vaccination, no ride” policy ng Department of Transportation (DOTr) na ang mga hindi bakunado o hindi ganap na nabakunahan ay pinagbabawalan sa akses nito ng mga public utility vehicle (PUV) hangga’t ang Metro Manila ay sa ilalim ng Alert Level 3 o mas mataas.

Sa ilalim ng utos, ang hindi bakunadong mga indibidwal na may mga kondisyong medikal ay hindi kasama sa patakaran, sa kondisyon na dapat sila’y magpakita ng isang medical certificate na may rekomendasyon para sa hindi pagbabakuna ng kanilang doktor.

Sa pagbili ng mga mahahalagang produkto at pag-akses ng mga mahahalagang serbisyo, ang mga hindi bakunadong indibidwal ay dapat kumuha ng isang health pass mula sa kani-kanilang mga barangay upang makabiyahe.

Ang Alert Level 3 status sa Metro Manila ay pinalawig hanggang Enero 31 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Khriscielle Yalao

Tags: caloocan cityNo Vaxx No Ride Policyquezon city
Previous Post

Taga-Leyte, nasolo ang ₱142M jackpot sa lotto

Next Post

Jay Sonza, rumesbak kay Ogie Diaz: ‘Nagpapanggap ka pa rin bang bakla?’

Next Post
Jay Sonza, rumesbak kay Ogie Diaz: ‘Nagpapanggap ka pa rin bang bakla?’

Jay Sonza, rumesbak kay Ogie Diaz: 'Nagpapanggap ka pa rin bang bakla?'

Broom Broom Balita

  • PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card
  • Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz
  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

PSA: Mahigit 10M Pinoy, nakakuha na ng PhilID card

May 19, 2022
Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

May 19, 2022
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.